Pagproseso ng bidyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagproseso ng bidyo o video processing ay isang paksa sa Digital Signal Processing kung saan layunin nito na gamitan ng computer algorithm ang paghawak sa video para sa iba’t-ibang mga layunin tulad ng video editing, streaming, video compression at iba pa. Ang paksang ito ay kadalasang makikita sa larangan ng Computer Engineering o Computer Science na mga kurso sa unibersidad o kolehiyo. Hindi ito nalalayo sa image processing or pagproseso ng imahe dahil ang bidyo ay maituturing na isang malaking koleksiyon ng imahe na magkakasunod.

Ang kasalukuyang takbo ngayon sa pag-unlad ng teknolohiyang pang-kompyuter ay ang pabilis ng pabilis ang kinakailangan pagpapadala ng datos (data transmission). Isa sa layunin ng video processing ay ang video encoding at decoding. Kinakailangan ito upang mapabilis ang video data transmission habang napapanatili ang kalidad ng bidyo.

Maraming mga layunin ang pagproseso ng bidyo. Isa sa mga ito ay may kinalaman sa pagtukoy ng bagay sa bidyo o object tracking. Sa pamamagitan ng mga computer program ay maaring maitukoy ang mga ispesipikong bagay na hinahanap sa bidyo. Ang mga halimbawa nito ay ang pagdetek ng manlalaro sa isang soccer game o pandetek ng magnanakaw mula sa CCTV camera para sa panseguridad na rason. Ang isa pang layunin ng pagproseso ng bidyo ay motion tracking o pagtukoy sa paggalaw. Maaring maitukoy ang bilis paggalaw ng isang bagay sa bidyo. Halimbawang aplikasyon nito ay pagtukoy ng bilis ng takbo ng sasakyan sa isang kalsada na may speed limit. Marami pang maaaring magawa ang pagproseso ng bidyo depende sa sitwasyon at pangangailangan ng isang mag-aaral o institusyon.

May iba’t-ibang gamit ang pagproseso ng bidyo. Isa na dito ay ang data storage. Layunin ng paksang ito na maitabi ang data ng bidyo sa isang sulit na paraan na hindi nakokompromiso ang kalidad ng bidyo. Makikita ang ebolusyon ng video data storage mula sa VHS, hangang sa VCD at DVD hangang sa mga portable devices. Kasabay ng pag-usbong ng internet ay ang pangangailangan ng integredidad sa video streaming. Layunin ng pagproseso ng bidyo na makapaghatid ng bidyo sa pamamagitan ng streaming sa pinakamabilis at pinakamagandang pamaraan habang isinasama ang limitasyon ng transmission channel.