Pumunta sa nilalaman

Pagputok ng Whakaari/White Island ng 2019

Mga koordinado: 37°31′12″S 177°10′57″E / 37.52000°S 177.18250°E / -37.52000; 177.18250
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagputok ng Whakaari/White Island ng 2019
Whakaari/White Island, siyam na minuto kasunod ng pagputok
BulkanWhakaari/White Island
Petsa9 Disyembre 2019 (2019-12-09)
UriPhreatic eruption
LugarBay of Plenty, North Island, New Zealand
37°31′12″S 177°10′57″E / 37.52000°S 177.18250°E / -37.52000; 177.18250
VEI2–3
NasalantaMga namatay: 21 kumpirmado, 2 nawawala at pinalalagay na namatay[1][2]
Mga nasugatan: 26

Ang pulong bulkan ng Whakaari/White Island sa hilagang-silangan ng rehiyon ng Bay of Plenty sa New Zealand ay pumutok nang bayolente noong Disyembre 9, 2019 sa 14:11 NZDT (01:11 UTC).[3] IIniulat na 47 katao ang nasa pulo sa mga oras na iyon. Noong Disyembre 16, labing walong katao ang namatay mula sa insidente, habang dalawampu't siyam na katao naman ang nasugatan, karamihan sa kanila ay may malubhang pagkasunog. Hindi pa nakukuha ang labi ng dalawang biktimang nawawala, na ipinalalagay ngayong nasawi.[4] Ang patuloy na aktibidad ng paglindol at ng bulkan sa lugar, pati na rin ang malakas na pag-ulan, mababang antas ng pagiging madaling makita (''low visibility'') at nakalalason na gas ay humadlang sa mga pagsisikap sa gawaing pagkuha ng mga biktima sa loob ng isang linggo kasunod ng insidente.[5][6][7]

Natukoy ng mga dalubhasa ang kaganapan bilang isang priatikong pagputok : isang paglabas ng singaw at bulkan na gas na nagdulot ng pagsabog, at nagpabuga ng bato at abo sa hangin.[8]

Sa loob ng isang linggo pagkaraan ng pagputok, inilipad ng Royal Australian Air Force ang labintatlo nilang mamamayang nasugatan pabalik sa Australya. Ang isa sa kanila ay nasawi kinalaunan sa isang ospital sa Australya.

Whakaari / White Island noong 2013

Mga nadisgrasya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga biktima ayon sa pagkamamamayan[9]
Pagkamamamayan Mga namatay Mga nasugatan
Australya 14 11
Estados Unidos 5 4
New Zealand 2 3
Alemanya 4
Nagkakaisang Kaharian 2
Tsina 2
Malaysia 1
Di pa tukoy 1
Kabuoan 21 26
Ang crater rim na nakunan ng isang webcam isang minuto bago lamang ang pagputok. Makikita ang mga hiker na naglalakad sa gitna ng retrato.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.aljazeera.com/news/2019/12/zealand-observe-silence-dead-named-volcano-191216003712948.html
  2. "White Island volcano: what we know about the victims". The Guardian. Nakuha noong 2019-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Live: White Island erupting: Plumes of smoke, reports of multiple injuries in Bay of Plenty". New Zealand Herald. 9 Disyembre 2019. ISSN 1170-0777. Nakuha noong 9 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "New Zealand volcano: Divers deployed to find last two missing bodies". 13 Disyembre 2019. Nakuha noong 13 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "New volcanic activity slows NZ recovery efforts". BBC News. 11 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Helicopter pilot says rain and ash are hampering search for bodies of White Island victims". TVNZ.
  7. "Six days after volcanic eruption in New Zealand's White Island, toxic gases, low visibility hamper search for victims".
  8. "The science of the White Island eruption: A catastrophic burst of steam". Stuff. Nakuha noong 11 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "White Island eruption: The dead, the missing and the injured". 15 Disyembre 2019 – sa pamamagitan ni/ng www.nzherald.co.nz.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]