Pagsabog sa Bangkok ng 2015

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Mga koordinado: 13°44′40″N 100°32′26″E / 13.74444°N 100.54056°E / 13.74444; 100.54056

Pagsabog sa Bangkok ng 2015
LokasyonRatchaprasong, Bangkok, Thailand
Petsa17 Agosto 2015 (2015-08-17)
18:55 ICT (UTC+07:00)
Uri ng paglusobpagsasabog
SandataTrinitrotoluene
Namatay20[1]
Nasugatan125[1]
BiktimaMga taga-Thailand, mga dayuhang turista
SalarinHindi pa nakikilala

Ang Pagsabog sa Bangkok ng 2015 ay nangyari sa labas ng Erawan Shrine sa interseksyon ng Ratchaprasong ng Distrito ng Pathum Wan sa Bangkok, Thailand noong Agosto 17, 2015.[2][3] Dalawampung katao ang namatay at 125 ay nasaktan sa dulot ng pagsasabog.[1] Hinahabol ng pulis ang isang taong pinahihilanganang may kinalaman sa pagsasabog na nagiwan ng isang backpack sa eksena ng pangyayari, bago mangyari ang pagsabog.[4]

Mga naunang insidente[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Pebrero 2015, dalawang bomba ay sumabog sa Ratchaprasong Skywalk sa labas ng kalapit na Siam Paragon na isang mall na nakasakit sa dalawang tao. Ang pagsasabog ay pinaniniwalahang may motibo na may kinalaman sa pultika.[5] Noong Abril 2015, isang bomba sa sasakyan ay pinasabog sa Ko Samui na nakasakit ng pitong katao.[6]

Ang pagsasabog[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Agosto 17, 2015, sa oras ng 18:55 ICT (11:55 UTC), isang bomba ay pinasabog sa loob ng lupain ng Erawan Shrine, malapit sa interseksyon ng Ratchaprasong sa sentro ng lungsod ng Bangkok.[7][8] Sinabi ng Kapulisang Royal Thai na isang 3 kilogram (6.6 lb) ng TNT ay nilagay sa loob ng tubo at iniwan sa ilalim ng bangko sa gilidang bahagi ng lupain na nakapalibot sa dambana at ang isang kable ng kuryente ay pinahinihingalahang ginamit sa pagsasabog ay nahanap 30 metre (98 ft) mula sa eksena[2]Padron:Not in citation given

Wala pa ay nagsasabi na sila ay nasa likod ng pag-atake.[9] Ang pag-atake ay sinasabing may layon na pagbagsakin ang turismo at ekonomiya ng Thailand.[10]

Pangalawang insidente[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa magkahiwalay na pag-atake sa Bangkok, isang gamit pangpasabog ay ihinagis mula sa isang tulay na malapit sa pier ng barko ng kaunting panahon pagkatapos ng 13:00 ICT noong Agosto 18, 2015, ngunit ito ay hindi nagdulot ng pagkasaktan ng kahit isang tao. Ang gamit pangpasabog, na maaring isang grenada, ay maaring ihinagis patungo sa pier ng Sathon sa Bangkok ngunit ito ay napunta sa tubig kung saan ito sumabog. Ang pangalawang hepe ng kapulisan ng distrito ay sinabi na "Kung ito ay di nahulog sa tubig, ito ay tiyak na ikakasakit ng ilang katao." Ang tulay ay nagtamo ng ilang sira.[10]

Mga biktima[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga biktima ayon sa by kabansaan[11]
Estado Mga namatay
 Thailand 6
 Malaysia 5[12]
 Tsina 4
 Hong Kong 2[a]
 Indonesya 1
 Singapore 1
Hindi matuklasan 1
Total 20
Ang ilang mga biktima ay may maraming kabansaan. Ang pagbibilang ay mula sa paunahanang datos.

Karamihan sa mga biktima ng pagsasabog ay mga turista na bumibisita sa dambana.[13] Ang Kapulisang Royal Thai ay inulat na 20 katao ang namatay at 125 ay nasaktan dulot ng insidente.[1] Kasama sa mga namatay ay anim na mga Thai,[11] limang taga-Malaysia,[12] apat na Tsino, dalawang taga-Hong Kong (kasama ang isang Briton na residente sa Hong Kong),[13] isang taga-Indonesian, at isang taga-Singapore.[11] Ilan sa mga nasaktan ay mga Hapones, taga-Malaysia, taga-Maldives, taga-Oman, Pilipino, taga-Qatar at taga-Taiwan.[13]

Mga tala[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Kasama ang isang Briton na residente sa Hong Kong[13]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Bomb toll revised: 20 dead, 125 injured". Bangkok Post. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  2. 2.0 2.1 "Bangkok bomb: Attack aimed to kill foreigners – Thai minister". BBC News. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  3. "Bomb Blast In Central Bangkok Kills At Least 12". Sky News. Agosto 17, 2015. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  4. Oliver Holmes. "Bangkok bomber is man seen dropping backpack, Thai police say". the Guardian. Hinango noong 19 Agosto 2015.
  5. "Thailand steps up security in Bangkok after bomb blasts at luxury mall". euronews. Agosto 17, 2015. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  6. "Koh Samui car bomb: Seven hurt in explosion in shopping mall car park in Thailand". ABC News. Abril 11, 2015. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  7. "Bangkok bomb: Explosion close to Erawan shrine kills at least 27 people including four foreigners – latest updates". The Daily Telegraph. 17 August 2015. Hinango noong 17 August 2015.
  8. Fuller, Thomas (Agosto 17, 2015). "Explosion in Bangkok Kills at Least 12". The New York Times. ISSN 0362-4331. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  9. "Police seek active bomb near Bangkok explosion". CNN. Agosto 17, 2015. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  10. 10.0 10.1 "Bangkok bomb was worst ever attack on Thailand, says PM". BBC News. Agosto 18, 2015. Hinango noong Agosto 20, 2015.
  11. 11.0 11.1 11.2 "Thai Police Seek 'Foreign Man' in Bombing of Bangkok Shrine". The New York Times. Agosto 19, 2015.
  12. 12.0 12.1 "Bangkok blast: Fifth Malaysian victim confirmed". The Star Malaysia. 19 Agosto 2015. Hinango noong 19 Agosto 2015.
  13. 13.0 13.1 13.2 13.3 "Bangkok bomb: Victims and survivors". BBC News. Hinango noong 19 August 2015.