Pumunta sa nilalaman

Pagtatakbuhan sa Pratapgarh noong 2010

Mga koordinado: 25°37′9″N 81°41′12″E / 25.61917°N 81.68667°E / 25.61917; 81.68667[1]
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagtatakbuhan sa Pratapgarh noong 2010
Pagtatakbuhan sa Pratapgarh
Petsa 4 Marso 2010 (2010-03-04)
Lokasyon Kunda, Uttar Pradesh, India

25°37′9″N 81°41′12″E / 25.61917°N 81.68667°E / 25.61917; 81.68667[1] Ang Pagtatakbuhan sa Pratapgarh noong 2010 ay isang insidente na naganap noong 4 Marso 2010, sa templo ng Ram Janki sa Kunda, Uttar Pradesh, Indiya, na nag-iwan ng 63 kataong patay[2] at mahigit isangdaan pang malubhang nasugatan.[3][4][5] Noong una'y nagkaroon ng iba't-ibang ulat ng bilang namatay, may ilang nagsasabing 61, ang iba naman'y 63,[6] at sabi pa ng iba 65.[2]

Nangyari ang insidente nang dumalo sa templo ang may 10,000 katao para makatanggap ng mga libren gamit, tulad ng mga damit at pagkain, sa unang taong anibersaryo ng pagkamatay ng asawa ni Kripalu Maharaj.[7] Bumagsak ang isang tarangkahang hindi pa tapos[8], na nagbunsod sa pagkakagulo ng mga nandoon at ng pagtatakbuhan.[9] May ilang nabagsakan ng tarangkahan habang ang iba nama'y nadaganan at natapakan ng ibang mga tao.[9] Hindi agad naging malinaw kung anu ang naging dahilan ng pagbagsak ng tarangkahan,[10] subalit maaring gawa ito ng mga taong nandoon.[7]

Sa 63 taong namatay hindi bababa sa 37 rito ang mga bata [7][9] at 26 ang babae, na bumagsak sa kanilang mga anak at nadaganan din.[9] Walang naiulat na namatay o nasugatan sa mga lalaki.[11][12] Karamihan sa mga namatay ay mga mahihirap na mamamayan na sinasamantala ang pagbibigay ng libreng pagkain.[13]

Pinalabas sa mga telebisyon ang larawan ng mga batong ibinabato sa ere.[14] Ayon sa mga nakasaksi pinalala ng mga pulis ang insidente sa pagpalo sa mga tao.[15] Nagkaroon ng mga reklamo ng kakulangan ng mga tao upang kontrolin ang sitwasyon.[13] Daan-daang mga kaibigan at kamag-anak ang nagtungo sa lokal na pagamutan matapos marinig ang pagtatakbuhan.[7][9]

Mas dumami ng dumalo sa pakain ngayon taon dahil sa "nauna nang pahayag na mamimigay rin ng mga kagamitan kasama ng tanghalian", ayon sa isang mambabatas.[15] Agad naman nagpatawag ng imbestigasyon ang pamahalaan.[16] Inaasahang magkakaroon ng pinal na ulat matapos ang dalawampu't apat na oras pagkatapos ng imbestigasyon.[16]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://wikimapia.org/495204/Ram-Janki-temple
  2. 2.0 2.1 "At least 65 dead in stampede in UP temple". The Times of India. 4 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "63 die, dozens injured in Indian temple stampede – Stampede". Inewscatcher.com. Nakuha noong 2010-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "63 killed, 25 injured in temple stampede in northern India". News.xinhuanet.com. 2010-03-04. Nakuha noong 2010-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "YahooNews". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-05. Nakuha noong 2010-03-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Harmeet Shah Singh (4 Marso 2010). "More than 60 killed in India temple stampede". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 "Indian temple stampede leaves 60 dead". The Daily Telegraph. 4 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Damien Pearse (4 Marso 2010). "Thirty-Seven Children Die In India Stampede". Sky News. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 Jeremy Page (4 Marso 2010). "Stampede for free clothes at Hindu temple in India kills at least 63". The Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2011. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Scores dead in India stampede". Al Jazeera. 4 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jeremy Page (5 Marso 2010). "Northern Indian temple stampede kills 37 children, 26 women". Herald Sun. Nakuha noong 5 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "63 killed in Indian temple stampede". RTÉ. 4 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Anjana Pasricha (4 Marso 2010). "More Than 60 Killed in Stampede at Indian Temple". Voice of America. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Vibhuti Agarwal (4 Marso 2010). "India Temple Stampede Kills 63". The Wall Street Journal. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 Romulo Tangbawan (4 Marso 2010). "63 dead in stampede over food at Indian temple". ArabNews. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 7 March 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  16. 16.0 16.1 "Allahabad Commissioner to probe stampede, report in 24 hours". DNA. 4 Marso 2010. Nakuha noong 4 Marso 2010. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)