Pumunta sa nilalaman

Pagdiin-angat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagtulak-paangat)
Ang pagdiriin-angat.

Ang pagdiin-pataas, pagdiin-angat, pagpiga-angat, o pagtukol-taas[1] (Ingles: push-up o press-up, dating tinatawag na floor-dip) ay isang uri ng pangkaraniwang ehersisyong pagsasanay at pampagpapalakas na isinasagawa habang nakadapa, pahalang, at nakaharap sa sahig ang mukha, na iniaangat at ibinababa ang katawan sa pamamagitan ng mga bisig. Pinauunlad ng pagdiin-taas o pagtulak-angat ang mga muskulong pektoral at mga traysep, na ansilyaryong benepisyo sa masel na deltoid, masel na serratus anterior, masel na coracobrachialis at panggitnang seksiyon sa kabuuan. Isa itong payak na ehersisyong ginagamit sa sibilyang atletikong pagsasanay o edukasyong pisikal at, espesyal na para sa kalusugang militar. Ginagamit din ito bilang parusa sa militar o sa palakasan o isport ng paaralan kapag nagkamali ang isang tao, at iba pa. Isa rin ito sa mga pangunahing ehersisyong kalisteniko.

Ang dand, na kilala rin bilang isang Hindu push-up. Ito ang pinaka pangunahing bersyon, na katulad ng ginamit ni Bruce Lee na tinukoy ito bilang isang kahabaan ng pusa.[2]

Maraming mga pagkakaiba-iba, tulad ng dand, na kilala rin bilang Hindu push-up. Dinamikong gumagana ang mga pangunahing katawan ng katawan.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Batay sa push, pagtukol at iba pa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Lee, Bruce, 'Preliminaries' in The Tao of Jeet Kune Do, California: Ohara Publications, 1975, p.29
  3. Mujumdar D.C., The Encyclopedia of Indian Physical Culture, 1950, p.460, plate 131


Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.