Pagtutuos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagtutuos, kontadurya, o akawnting (Ingles: accounting, accountancy) ay ang larangan at pamamaraan ng pagsusuri pagsusukat, pagproproseso, at pamamahayag ng mga ari-arian, ng mga pananagutan, ng mga kita, ng mga resulta ng mga gawaing ekonomiko ng isang grupo ng tao, at pinansyal na kalagayan o katayuan ng isang negosyo o organisasyon,[1] at ang pagpapahiwatig nitong mga resulta sa mga tao, kasama na ang mga namumuhunan (investors), nangagasiwa (regulators), at nanunustos (suppliers). Ito ay tinagurian ding “wika ng pagnenegosyo” at magkasingkahulugan ang akawnting at pag-uulat ng pananalapi (financial reporting). Tinatawag na tagatuos, tagapagtuos, kontador, tenedor de libro o "akawntant" ang taong bihasa sa larangang ito.

Ito ay itinatag ni Luca Pacioli, isang Italyanong matematisyan, noong katapusan ng ika-labinlimang siglo.

Mga sangay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang akawnting ay nahahati sa iba’t ibang larangan tulad ng financial accounting, management accounting, auditing, at tax accounting.

  • Ang financial accounting ay nakatutok sa pag-uulat ng mga impormasyong pinansiyal ng isang organisasyon, kasama na ang paghahanda ng mga pahayag na pinansiyal (financial statements), sa mga gumagamit ng impormasyon, gaya ng mga namumuhunan, nangangasiwa, at nanunustos.
  • At ang management accounting ay nakapokus sa pagsusukat, pagsusuri, at pag-uulat ng impormasyon upang gamitin ng mga namamahala.
  • Ang pagtatala ng mga transaksiyong pinansiyal, upang mailahad sa isang ulat na pinansiyal (financial report) ang buod ng mga pananalapi, ay tinatawag na bookkeeping. Ang double-entry bookkeeping ang pinaka-karaniwang ginagamit na sistema.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L. "Accounting". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.