Pumunta sa nilalaman

SALN

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (maaaring isalin bilang Pahayag ng Ari-arian, Utang at Kabuuang Halaga) ay isang dokumentong inaatas ng batas ng Pilipinas sa mga politiko ng Pilipinas, mga empleyado, at mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas (kasama ng kanilang mga asawa at mga anak na mababa sa 18 taong gulang na nakatira sa kanila) na kanilang isusumite na nagdedeklara ng kanilang mga ari-arian (gaya ng mga lupain, sasakyan, bahay, at iba pa) at mga utang (gaya ng mga pagkakautang at iba pa), mga negosyo at mga interes na pampananalapi.

Ang pagsusumite ng isang SALN ng mga politiko at empleyado at opisyal ng pamahalaan ay inaatas ng Artikulo XI, Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko". Ito ay kinabibilangan ng isang pagpapahintulot sa Ombudsman ng Pilipinas o mga kinatawan nito na makakuha ng mga dokumento na nagpapakita ng mga ari-arian, mga negosyo at mga koneksiyong pinansiyal mula sa lahat na angkop ahensiya ng pamahalaan.[1]

Dapat isinusumite ng mga opisyal ng pamahalaan at politiko ang kanilang SALN pagkatapos maluklok sa opisina, kada taon at pagkatapos na umalis o maalis sa puwesto.

Ang layunin ng SALN ay labanan ang mga kurakot na politiko sa Pilipinas na maaaring magpayaman gamit ang kanilang posisyon sa pamahalaan. Ang isang politiko ay sinasabing lumikom ng kayamanang kinuha mula sa masama (ill gotten wealth) o hindi maipaliwanag na kayamanan (unexplained wealth) kapag ang kabuuan ng kanyang mga ari-arian pagkatapos ng ilang mga taon ng panunungkulan sa pamahalaan ay hindi tumutugma sa kanyang angkop na sahod bilang politiko o opisyal ng pamahalaan (halimbawa ang sahod ng Pangulo ng Pilipinas ay ₱120,000 kada buwan) gayundin mula sa mga iba pang legal na mapagkukunan ng kita sa parehong panahon.

Gayunpaman, ang mga kurakot na politiko ay maaaring hindi tapat na magdeklara ng kanyang ari-arian sa kanyang SALN upang maitago ang kanyang hindi maipapaliwanag na kayamanan sa ombudsman.

Hindi pag-deklara ng lahat ng ari-arian sa SALN

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kabila ng batas na pagdedeklara ng SALN, ang ilang mga politiko at opisyal at empleyado ng pamahalaan ay nabunyag na hindi nagdeklara ng lahat ng kanilang ari-arian sa kanilang SALN. Kabilang dito sina:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-04. Nakuha noong 2013-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.sws.org.ph/pr20120426.htm
  3. http://www.philstar.com/headlines/2013/09/27/1238637/jinggoy-confirms-p120-m-house-asset-not-saln
  4. http://www.gmanetwork.com/news/video/157064/24oras/umano-y-offshore-account-ni-imee-marcos-iimbestigahan
  5. 5.0 5.1 http://www.gmanetwork.com/news/story/302514/news/specialreports/manny-villar-jv-ejercito-linked-to-offshore-accounts-undeclared-in-salns
  6. http://www.philstar.com/nation/2013/10/24/1248891/hagedorn-faces-raps-over-59-undeclared-properties
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-19. Nakuha noong 2013-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-07. Nakuha noong 2013-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)