Imee Marcos
Imee R. Marcos | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2019 | |
Gobernador ng Ilocos Norte | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2019 | |
Diputado | Angelo Barba |
Nakaraang sinundan | Michael Marcos Keon |
Sinundan ni | Matthew Marcos Manotoc |
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007 | |
Nakaraang sinundan | Simeon M. Valdez |
Sinundan ni | Ferdinand R. Marcos, Jr. |
Mambabatas Pambansa (Assemblyman) mula sa Ilocos Norte | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1984 – Marso 25, 1986 Served with: Antonio V. Raquiza | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Mandaluyong, Philippines | 12 Nobyembre 1955
Kabansaan | Filipino |
Partidong pampolitika | KBL (1980–2009) Nacionalista (2009–kasalukuyan) |
Asawa | Tommy Manotoc (separated) |
Anak | 3 |
Tahanan | Batac, Ilocos Norte |
Alma mater | Princeton University Education: - Princeton University (B.A.) - University of the Philippines College of Law in Diliman, Quezon City (Bachelor of Laws) - Asian Institute of Management in Makati (M.A. in Management and Business Administration) |
Propesyon | Pulitiko |
Si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos (ipinanganak noong Nobyembre 12, 1955) at mas nakikilala bilang Imee Marcos ay isang politiko sa Pilipina at ang anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos na nagsilbing pangulo noong 1965-1986. Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang senador na nahalal noong 2019. Siya ay nagsilbi ng tatlong termino bilang gobernador ng Ilocos Norte mula 2010 hanggang 2019 at bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng Ilocos Norte ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2007. Siya ay dating kabilang sa partidong Kilusang Bagong Lipunan o KBL na parehong partidong sumuporta sa kanyang amang si Ferdinand Marcos. Kalaunan ay sumali siya sa alyanasa ng Partidong Nacionalista ni Manny Villar bilang suporta sa kanyang inang si Imelda Marcos at kapatid na si Bongbong Marcos.
Karerang Politikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang karerang politikal ni Imee ay nagsimula noong panahan ng Batas Militar ng kanyang amang si Ferdinand Marcos. Si ya ay isang kasapi ng Batasang Pambansa at Chairperson ng kabataang baranggay. Siya kanyang termino ng ang akttibistang si Archimedes Trajano ay dinukot, tinorture at pinatay pagkatapos si Imee sa kanyang pagkakahirang.[1] SIya ay 18 mga 14 buwan pagkatapos ng panahon ng Batas Miliar ng kanyang amang si Ferdinand Marcos .[2] at mga edad 30 nang mapatalsik ang kanyang pamilya sa People Power Revolution pagkatapos silang dakpin at dalhin sa Honolulu.[1] Ang pagkakahatol kay Imee noong 1993 sa kasong Trajano v. Marcos case (978 F 2d 493) sa district court ng Estados Unidos at Honolulu ay nagpapakita sa mga legal circle sa paglalantad ng kahiraan ng akto ng state doktrrine na pumapayag sa gayong mga kaso na maisampa.[3][4][5]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2019 halan, ang edukasyon ni Imee ay kinuwestiyon. Pinke niya ang mga 4 na paaralan kabilang ang tatlong unibersidad na maling nagsasabing isa siyang cum laude at class valedictorian sa 2 nito.[6][7][8][9]
Pagtatanggol sa Batas Militar ng kanyang amang si Ferdinand Marcos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinagtanggol ni Imee Marcos ang batas militar na ipinatupad ng kanyang amang si Ferdinand Marcos. Ayon kay Imee Marcos: "Ang pinakamahusay na mga lansangan at mga tulay ay itinayo noong Martial Law. Kahit ang mga pelikula ay napakaganda".
Isinaad ng dating navy na si Captain Danilo Vizmanos tungkol sa kabayanihan ni Liliosa Hilao na ginahasa, pinahirapan at pinatay ng militar noong batas militar:
"For the single crime that Marcos and his gangsters have committed on the brave but defenseless Liliosa, a million kilometers of paved roads and all the gimmicks they have come up with cannot erase from the (memory of) Filipino people such an abominable crime that will forever serve as the dark legacy of the New Society."[10]
(Para sa isang krimen na isinagawa nina Marcos at kanyang mga gangster sa walang labang si Liliosa, ang mga milyong kilometro ng mga inaspaltuhang mga lansangan at lahat ng mga gimik na kanilang naisip ay hindi magbubura sa (ala-ala ng) mga Pilipino ang gayong karumal-dumal na krimen na kailanmang magsisilbi bilang madilim na legasiya ng Bagong Lipunan.
Noong 2005, hindi nagustuhan ni Imee Marcos ang pagbanggit ng pamahalaan ni Gloria Arroyo ng paggugol ng bansang Pilipinas ng 1/3 ng taunang badyet nito para bayaran ang mga utang na nalikom ng kanyang amang si Ferdinand Marcos. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025. Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar.[11][12]Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[12]
Binanggit ng komentador na si Jojo Robles ng Manila Standard Today ang Bataan Nuclear Power Plant— na isang pinakamalaking pinagkautangan ng administrasyon ni Marcos na tumagal ng 10 taon para itayo na nagkahalaga ng US$2.3 bilyong dolyar ngunit walang kahit isang nalikhang watt ng elektrisidad. Ayon kay Jojo Robles:
"In this time of ever-escalating debt and oil prices, someone should tell Imee Marcos to get a grip on reality before absolving her father and his men...we're still paying the costs of Marcos the Elder's kleptocracy, whether in the form of higher power costs because of an unused power plant or unending payments incurred by a thieving regime."[13]
Sa panahon ng papataas na utang at mga presyo ng langis, dapat sabihin ng isa kay Imee Marcos na bumalik sa realidad bago ipawalang sala ang kanyang ama at mga tauhan nito...nagbabayad pa rin tayo ng kleptokrasya ng Nakatatandang Marcos kahit sa anyo ng mga mas mataas na gastos ng elektrisidad dahil sa hindi nagamit ng planta ng elektrisidad o walang katapusang mga pagbabayad sa mga nalikom ng isang rehimeng magnanakaw.
May ilang mga akusasyon ng mga atrosidad ng mga bantay ni Imee marcos noong Martial law. Sa isang bukas na forum na isinagawa ni Imee Marcos noong Agosto 1977, si Archimedes Trajano ay dinukot ng mga bantay ni Marcos matapos magtanong na hindi nagustuhan ni Imee Marcos. Ang katawan ni Archimedes Trajano ay natagpuang pinahirapan at pinatay pagkatapos ng ilang araw.[14] Ang pamilya ni Trajano ang isa sa mga ginawaran ng kabayaran sa pinsala para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong panahong martial law ni Ferdinand Marcos na sumasaklaw sa mga pagpapahirap, paglaho ng mga biktima at mga pagpatay ng militar o ng pamilya Marcos.[14][15]
Noong April 2013, ang pangalan ni Imee Marcos ay inilimbag bilang bahagi ng ulat ng mga Offshore leaks. Ipinagpalagay na kanyang itinago ang mga bahagi ng 5 bilyong dolyar na itinago ng kanyang amang si Ferdinand sa mga tax haven.[16][17][18]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ferdinand Marcos’ Daughter Tied to Offshore Trust in Caribbean, April 3, 2013
- Philippine Government to Probe Marcos Daughter’s Offshore Trust, April 4, 2013
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Punzalan, Jamaine (2016-11-22). "No 'Martial Law' babies: Imee, Bongbong held key posts under dad's rule". ABS CBN News and Public Affairs. Nakuha noong 2019-02-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tantuco, Vernise L. (23 Enero 2019). "MISLEADING: Imee Marcos 'was a minor' during Martial Law". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mendoza, Meynardo. "Is Closure Still Possible for the Marcos Human Rights Victims?" Social Transformations: Journal of the Global South 1, no. 1 (2013): 127. doi:10.13185/st2013.01106.
- ↑ Stephens, Beth (Enero 1, 2008). International Human Rights Litigation in United States Courts (sa wikang Ingles). BRILL. ISBN 978-1571053534.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Steinhardt, Ralph G. (1995). "Volume 20 Issue 1 Article 3 1995 Fulfilling the Promise of Filartiga: Litigating Human Rights Claims Against the Estate of Ferdinand Marcos" (PDF). Yale Journal of International Law. 20 (1).
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cepeda, Mara. "FALSE: Imee Marcos 'earned degree from Princeton'". Rappler. Nakuha noong Marso 22, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Paris, Janella. "FALSE: Imee Marcos 'graduated cum laude from UP College of Law'". Rappler. Nakuha noong Marso 22, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cepeda, Mara. "FALSE: Imee Marcos was 'class valedictorian' from California boarding school". Rappler. Nakuha noong Marso 22, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Posted at Mar 22 2019 08:27 PM (2019-03-22). "Imee Marcos' AIM 'degree': True or false? | ABS-CBN News". News.abs-cbn.com. Nakuha noong 2019-10-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [http://web.archive.org/web/20120215055609/http://www.bulatlat.com/news/3-32/3-32-diary.html Bulatlat}}
- ↑ http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
- ↑ 12.0 12.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-27. Nakuha noong 2013-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manila Standard Today August 29,2005". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-10-18. Nakuha noong 2005-10-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 The Archimedes Trajano Case Naka-arkibo 2012-07-27 sa Wayback Machine. www.melonwater.com
- ↑ Marcos wealth issue raised in federal court Naka-arkibo 2008-05-15 sa Wayback Machine. starbulletin.com
- ↑ "Secret Files Expose Offshore's Global Impact". ICIJ. Nakuha noong 4 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ferdinand Marcos’ Daughter Tied to Offshore Trust in Caribbean, April 3, 2013
- ↑ Philippine Government to Probe Marcos Daughter’s Offshore Trust, April 4, 2013