Archimedes Trajano
Si Archimedes Trajano(namatay noong 1977) ay isang 21 taong gulang na estudyante ng Mapua Institute of Technology na naging biktima ng Martial Law noong rehime ni Ferdinand Marcos. Si Archimedes Trajano ay dinukot ng mga bantay ni Marcos matapos magtanong sa isang bukas na forum na isinagawa ni Imee Marcos noong Agosto 1977 na hindi nagustuhan ni Imee Marcos. Tinanong ni Trajano si Imee Marcos(na sa panahong ito ang National Chairman ng Kabataang Baranggay) ang pagkakahirang kay Imee Marcos bilang direktor ng isang organisasyon.[1] Ang katawan ni Archimedes Trajano ay natagpuang pinahirapan at pinatay pagkatapos ng ilang araw.[2] Ang pamilya ni Trajano ang isa sa mga ginawaran ng kabayaran sa pinsala ng Federal District Court of Honolulu, Hawaii para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong panahong martial law ni Ferdinand Marcos na sumasaklaw sa mga pagpapahirap, paglaho ng mga biktima at mga pagpatay ng militar o ng pamilya Marcos.[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www1.umn.edu/humanrts/research/Philippines/Trajano%20v%20Marcos,%20%20978%20F%202d%20493.pdf
- ↑ 2.0 2.1 The Archimedes Trajano Case Naka-arkibo 2012-07-27 sa Wayback Machine. www.melonwater.com
- ↑ Marcos wealth issue raised in federal court Naka-arkibo 2008-05-15 sa Wayback Machine. starbulletin.com