Tommy Manotoc

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Tommy Manotoc ay isang dating tagapagsanay ng basketbol at pangulo ng National Golf Association of the Philippines (NGAP). Nagsusulat din siya ng mga artikulo tungkol sa palakasan sa Philippine Daily Inquirer. Bilang tagapagsanay ng basketbol sa ilang mga koponan sa Philippine Basketball Association, naipanalo niya ang anim na titulo sa PBA kabilang ang grand slam na pagkapanalo ng Crispa Redmanizers.

Pansariling buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Naging asawa ni Manotoc ang Miss International ng 1970 na si Aurora McKenny Pijuan at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Mavis at TJ. Si TJ ay isang mamamahayag sa ABS-CBN. Natapos ang kanilang kasal sa diborsyo.

Naging pangalawang asawa naman niya si Imee Marcos na anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos at ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Borgy, Michael at Matthew.