Pumunta sa nilalaman

Pala (panghukay)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang lalaki na dala-dala ang mga pala

Ang isang pala ay isang kagamitan para sa paghukay, pagbuhat, at paglipat ng mga tumpok na materyales, tulad ng lupa, uling, graba, niyebe, buhangin o mineral.

Karamihan sa mga pala ay kagamitan pangkamay na binubuo ng malapad na talim o ulo na nakakabit sa isang hawakan na may katamtamang haba. Ang talim nito ay kadalasang yari sa pilas ng metal o matigas na plastik at napakatibay. Kadalasang yari sa kahoy ang hawakan nito (lalo na ang partikular na ash o maple) o plastik na pinatibay ng salamin (fiberglass).

Noong panahong Neolitiko at mas maaga pa, kadalasang ginagamit ang isang iskapula bilang pawarde-wardeng pala o ispada.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]