Paliguan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang paliguan.

Ang paliguan ay bahagi ng isang bahay o gusali.[1] Kadalasang matatapuan ito sa banyo, ginagamit sa pagtanggal ng mga dumi sa katawan habang naliligo upang mapalagaan ang kalusugan, gayon din ang pagtanggal ng mga nakakasamang mga kimikal o mapanganib na mga bagay mula sa katawan para sa kaligtasan.

Kaanyuan at mga bahagi[baguhin | baguhin ang batayan]

Iba't-iba ang itsura at disenyo ng mga paliguan base sa gamit, sa laki ang espasyo at sa kagustuhan ng nagpapagawa nito. Mayroong mga paliguan na kasama na sa isang lugar ang palikuran at mayroon ding malalaking paliguan na nagsisilbi na ring kwarto ng mga aparador para sa mga damit. Ngunit sa lugar na maliliit ng espasyo, maaaring gamitin ang sulok ng kwarto upang umakma sa sukat nito ang paliguan.[2] Ang mahalaga lamang ay mayroon ng mga ilang importanteng bahagi na kailangan sa isang paliguan.

  • Dutsa (shower)
  • Gripo
  • Paagusan (drainage)
  • Lalagyan ng mga gamit panligo

Talasanggunik[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. Ang Pinakamahusay na Paliguan sa Sulok Para sa Iyong Bahay. Grand Home Design. Hinango 18 Hulyo 2018.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.