Pumunta sa nilalaman

Pamahalaan ng Katimugang Sudan (1972-1983)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rehiyong Awtonomo ng Katimugang Sudan
1972–1983
Mapa ng Katimugang Sudan
Mapa ng Katimugang Sudan
KatayuanRehiyong awtonomo
KabiseraJuba
Kasaysayan 
Pebrero 28 1972
• Nabuwag ang rehiyon
Hulyo 5 1983
SalapiLibrang Sudanes
Pumalit
Pamahalaan ng Katimugang Sudan (2005-2011)

Ang Rehiyong Awtonomo ng Katimugang Sudan ay isang rehiyong awtonomo na umiral sa Katimugang Sudan sa pagitan ng 1972 at 1983. [1] Itinatag ito noong 28 Pebrero 1972 ng Kasunduan sa Addis Ababa na nagpahinto sa Unang Sudanes na Digmaang Sibil. [2] Binuwag ang rehiyon noong 5 Hunyo 1983 ng administrasyon ng Pangulo ng Sudan na si Gaafar Nimeiry.[3] Ang rebokasyon ng awtonomiya na pangkatimugan ay sanhi ng Ikawalang Sudanes na Digmaang Sibil na nagpatuloy hanggang Enero 2005, noong maipanumbalik ang awtonomiyang pangkatimugan.

Kayarian ng rehiyong awtonomo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang rehiyon ay pinamahalaan ng isang Mataas na Konsehong Pampagpapatupad na pinamunuan ng isang Pangulo ng Mataas na Konsehong Pampagpapatupad. Si Abel Alier ang unang Pangulo, na humawak sa tungkulin sa pagitan ng 1972 at 1978.

Ang kapangyarihang lehislatibo ay nakaatang sa isang Asambleang Pangrehiyon ng Mga Tao.

Ang rehiyong awtonomo ay binubuo ng tatlong mga lalawigan: ang Equatoria, ang Bahr al-Ghazal, at ang Mas Mataas na Pang-itaas na Nilo. Ang Juba ang kabiserang pangrehiyon.

Mga pangulo ng Mataas na Konsehong Pampagpapatupad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon ng paglilingkod Nanunungkulan sa kasalukuyan Partido
6 Abril 1972 – Pebrero 1978 Abel Alier Katimugang Harapan
Pebrero 1978 – 12 Hulyo 1979 Joseph Lagu Aprikanong Unyong Pambansa ng Sudan
12 Hulyo 1979 – 30 Mayo 1980 Peter Gatkuoth
30 Mayo 1980 – 5 Oktubre 1981 Abel Alier Katimugang Harapan
5 Oktubre 1981 – 23 Hunyo 1982 Gismalla Abdalla Rassas [[Southern Sudan Liberation Movement]|Kilusang Pampagpapalaya ng Katimugang Sudan]]
23 Hunyo 1982 – 5 Hunyo 1983 Joseph James Tombura Aprikanong Unyong Pambansa ng Sudan

Pagkaraan ng pagbuwag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Awtonomong Rehiyon ng Katimugang Sudan ay binuwag noong 1983. Sa pagitan ng 1987 at ng 1989, umiral ang isang Konseho para sa Timog sa Katimugang Sudan. Kasunod ng paglagda sa Kasunduan ng Kapayapaan sa Khartoum noong 1997, itinatag ang isang Konseho ng Koordinasyon ng Katimugang Sudanl na unang pinamunuan ni Riek Machar na naitalaga rin bilang Katulong ng Pangulo ng Republika. Ang katawang ito ay binuwag noong 2005 nang matatag ang awtonomong Pamahalaan ng Katimugang Sudan.[4]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [1]
  2. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-07-10. Nakuha noong 2012-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-07-10 sa Wayback Machine.
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-16. Nakuha noong 2012-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-07-16 sa Wayback Machine.
  4. [2]