Pumunta sa nilalaman

Pamamahalang may estratehiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pamamahalang may estratehiya ay isang importanteng konsepto ng pagnenegosiyo at pangangalakal. Ang estratehiya ay isang disiplina na ginagawa ng mga kompanya upang manguna sa mundo ng kompetisyon. Ang apat na ideya sa likod ng estratehiya ay ang mga sumusunod:

  • Ang paggawa ng mga layunin para sa kompanya.
  • Ang paggawa ng mga plano upang maabot ang tinalagang layunin.
  • Ang estratehiya ay importante dahil sa kompetisyon. Kung mayroong kompetisyon ang isang kompanya, kinakailangan nitong maging mas mabilis, mas maalam, at mas malakas kaysa sa iba.
  • Ito ang pinakamahalagang trabaho ng mga tagapamahala sa kompanya dahil ito ay kinakailangan para sa kinabukasan ng kompanya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Carter, Chris, Stewart Clegg, at Martin Kornberger. A Very Short, Fairly Interesting and Reasonably Cheap Book About Studying Strategy, Thousand Oaks, CA: Sage, 2008. Nakalimbag.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.