Pumunta sa nilalaman

Pamamanhikan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pamamanhikan (Ingles: supplication, request) ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap na pamamanhikan. Dito ay pinag-uusapan ang petsa at pook-kasalan ng mag-sing irog, maging ang ilan pang detalye, katulad ng magiging ninong at ninang, ang paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan, at maging ang listahan ng mga bisita.

KulturaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.