Pamantasang Atenisi
Ang Atenisi Institute ay matatagpuan sa Kaharian ng Tonga at binubuo ng Pamantasang 'Atenisi (Atenisi University) at ang Atenisi Foundation for the Performing Arts. Ang 'Atenisi sa wikang Tongan ay nangangahulugang Athens, ang kabisera ng Gresya. Ang instituto, na itinatag ni Futa Helu (1934-2010), ay nagsimula bilang isang tuluy-tuloy na programang pang-edukasyon para sa mga kawaning sibil, pagkatapos ay nagpasimula ng isang mataas na paaralan (hayskul) noong 1964 (ngayon ay ang hiwalay na ACTS Community Schools) at isang unibersidad noong 1975.
Ang unibersidad sa 'Atenisi Institute ay itinatag pitong taon pagkatapos mabuksan ang kampus sa Tonga ng Unibersidad ng Timog Pasipiko. Gayunpaman, ang paaralan ay kakaiba sa pagiging ang tanging pribadong unibersidad sa mga isla ng Timog Pasipiko, at samakatuwid ay nagsasarili mula sa anumang simbahan o pamahalaan. Nagsisilbi itong isang kalamangan at kawalan. Ang kalamangan ay ang malayang unibersidad na nagsasanay ng kritikal na pag-iisip, imbes na pilitin ang mga mag-aaral na sumunod sa anumang doktrina, gobyerno, o relihiyon. Ang kawalan ay ang kakapusan ng unibersidad na tumanggap ng pondo mula sa alinman sa mga nabanggit na mga pinagkukunan.
21°07′59″S 175°12′46″W / 21.13315°S 175.21264°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.