Pamantasang Doshisha
Ang Pamantasang Doshisha (Hapones: 同志社大学 Dōshisha daigaku), na kilala rin bilang Dodai (同大 Dōdai), ay isang pribadong unibersidad sa .lungsod ng Kyoto, Hapon. Itinatag noong 1875, ito ay isa sa mga pinakamatandang pribadong institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Hapon, at may humigit-kumulang 30,000 mag-aaral na nakatala sa apat na magkakaibang kampus sa Kyoto. Ito ay isa sa mga "Global 30" university ng Hapon at isa sa mga "Kankandoritsu", isang pangkat ng apat na nangungunang mga pribadong unibersidad sa kanlurang rehiyon ng Kansai sa bansa.
Ang Doshisha ay itinatag ni Joseph Hardy Neesima bilang "Doshisha English School", at noong 1920 ay nabigyan ng katayuang unibersidad. Ang unibersidad ngayon ay sumasaklaw sa 14 fakultad at 16 paaralang gradwado na may maraming mga kaakibat na institusyon kabilang ang Doshisha Women's College of Liberal Arts, na isang nagsasariling unibersidad.
-
Doshisha Chapel, Imadegawa
-
Clark Memorial Hall, Imadegawa
-
The Learned Memorial Library
35°01′47″N 135°45′39″E / 35.029737°N 135.760725°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.