Pamantasang Duke
Ang Pamantasang Duke (Ingles: Duke University) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Durham, Hilagang Carolina. Itinatag ng mga Metodista at Quaker sa bayan na tinatawag ngayong Trinity, noong 1838, ang paaralan ay inilipat sa Durham noong 1892. Noong 1924, inestablisa ng industriyalista sa tabako at kuryente na si James Buchanan Duke ang Duke Endowment, kaya binago ang ngalan ng institusyon sa karangalan ng kanyang namatay na ama, si Washington Duke.
Ang Duke ay nararanggong ikalima sa mga pambansang unibersidad sa pagkakaroon ng mga iskolar ng Rhodes, Marshall, Truman, Goldwater, at Udall. Sampung Nobel laureates at tatlong Turing Award winners ang konektado sa unibersidad.
Ang Duke ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na unibersidad sa mundo ayon sa maraming mga pagraranggo ng unibersidad, at kabilang sa mga pinakainobatibo, ayon sa isang Reuters survey. Sa isang pag-aaral ng Forbes magazine, ang Duke ay ika-11 unibersidad na nakapagprdyus ng mga bilyonaryo. Sa isang pag-aaral naman ng New York Times, nakita na ang mga nagtatapos sa Duke ay kabilang sa mga pinakatanyag at pinakamahalaga sa mundo. Ang Duke ay ang pangalawang-pinakamalaking pribadong tagapag-empleyo sa Hilagang Carolina na may higit sa 37,000 empleyado.
36°00′04″N 78°56′20″W / 36.0011°N 78.9389°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.