Pamantasang Eötvös Loránd
Ang Pamantasang Eötvös Loránd (Unggaro: Eötvös Loránd Tudományegyetem, ELTE; Ingles: Eötvös Loránd University) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik university na nakabase sa Budapest, kabisera ng Hungary. Itinatag noong 1635, ang ELTE ay isa sa mga pinakamalaki at ang pinakaprestihiyosong[1] pampublikong institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa Hungary. Ang 28,000 mag-aaral sa ELTE ay organisado sa mga walong mga fakultad, at sa mga surian sa pananaliksik na matatagpuan sa buong Budapest at sa mga pampang ng Danube. Ang ELTE ay tahanan ng 5 Nobel laureates, pati na rin ng mga nanalo ng Wolf Prize, Fulkerson Prize at Abel Prize, ang pinakabagong sa mga ito ay ang nagwagi ng Abel Prize noong 2012 na si Endre Szemerédi.
Natanggap ng unibersidad ang kasalukuyang pangalan nito noong 1950, sunod sa isa mga bantog na pisisista ng unibersidad na si Baron Loránd Eötvös.
Sa 2013-14 QS World University Rankings, ang unibersidad ay niraranggo bilang ika-551-600. Ayon naman sa Academic Ranking of World Universities, ang unibersidad ay may ranggong ika-301-400. Ayon naman sa International Colleges and Universities, ang unibersidad ay nasa ranggong ika-158th sa buong daigdig.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kaplan, Robert B.; Baldauf, Richard B. (2005-01-01). Language Planning and Policy in Europe (sa wikang Ingles). Multilingual Matters. ISBN 9781853598111.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
47°29′26″N 19°03′31″E / 47.4906°N 19.0585°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.