Pamantasang Ebreo ng Herusalem
31°46′33.01″N 35°11′48.58″E / 31.7758361°N 35.1968278°E
Ang Pamantasang Ebreo ng Herusalem (Ebreo: האוניברסיטה העברית בירושלים, ha-Universita ha-Ivrit B'irushalayim; Arabe: الجامعة العبرية في القدس, al-Ǧāmiah al-Ibriyyah fil-Quds; dinadaglat bilang HUJI) ay ang pangalawa sa mga pinakamatandang pamantasan ng Israel, na itinatag pagkatapos ng Technion sa Haifa. May tatlong kampus ang pamantasan sa Herusalem, at isa sa Rehovot. Nasa kampus ng pamantasan sa Givat Ram ang pinakamalaking aklatan sa mundo para sa araling pang-Hudyo.
Kasama sa unang Lupon ng mga Tagapangasiwa ng pamantasan sina Albert Einstein, Sigmund Freud, Martin Buber, at Chaim Weizmann. Apat sa mga punong ministro ng Israel naman ang nagsitapos sa Pamantasang Ebreo. Sa huling dekada, pito sa mga nagsitapos sa pamantasan ang nakatanggap ng Gantimpalang Nobel o Medalyang Fields.
Ayon sa Akademikong Pagraranggo ng mga Pamantasan sa Mundo, pinakamataas ang Pamantasang Ebreo sa mga pamantasan sa Israel, at ika-52 sa mga pinakamahusay na pamantasan sa mundo.
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Bundok Scopus Amphitheatre