Pamantasang Federal ng São Paulo
Ang Pamantasang Federal ng São Paulo (Portuges: Universidade Federal de São Paulo, UNIFESP) ay isang unibersidad sa estado ng São Paulo, Brazil.
Hanggang taong 2005, ang UNIFESP ay eksklusibo para sa agham pangkalusugan, ngunit pagkatapos ng taong ito ang unibersidad ay naging multidisiplinal dahil sa University Reform Program ng bansa. Ngayon, ang pamantasan ay may anim na kampus, ang pinakamatanda sa Vila Clementino, sa São Paulo (kalusugan) at apat na higit pa sa Guarulhos (humanidades), Diadema (agham, inhenyeriya at mga kaugnay na disiplina), Santos (kalusugan, agham marino), Sao Jose dos Campos (agham pangkompyuter at inhenyeriya) at Osasco (negosyo). May bagong kampus ay binabalak sa Santo Amaro, isang distrito ng (São Paulo).
23°35′30″S 46°38′57″W / 23.59165°S 46.64906°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.