Pamantasang Federal ng Santa Catarina
Ang Pamantasang Federal ng Santa Catarina (Portuges: Universidade Federal de Santa Catarina, UFSC, Ingles: Federal University of Santa Catarina) ay isang pampublikong unibersidad sa Florianópolis, ang kabiserang lungsod ng Santa Catarina sa timog Brazil .
Itinuturing na isa sa mga nangungunang unibersidad sa Brazil, ang UFSC ang ika-15 pinakamahusay na unibersidad sa Amerikang Latino sa pagraranggo ng Times Higher Education at ika-22 sa rehiyon ayon sa QS World University Rankings.
Ang istruktura ng kanyang unibersidad ay binubuo ng 11 paaralang akademiko (Centros de Ensino), na hinati ayon sa larangan ng pag-aaral. Ang bawat paaralan ay nahahati sa mga kagawaran, ang pinakamalaki ay ang kagawaran ng inhenyeriyang mekanikal.
27°36′S 48°31′W / 27.6°S 48.52°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.