Philippine National Oil Company

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Pambansang Kompanya ng Langis ng Pilipinas
Philippine National Oil Company
Logo PNOC.JPG
Ang logo ng Pambansang Kompanya ng Langis ng Pilipinas
Buod ng pangasiwaan
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
PununghimpilanKuta ng Bonifacio, Lungsod ng Taguig, Pilipinas
Tagapangasiwang may pananagutanAngelo T. Reyes, Tagapangulo ex-officio
Punong tagapagpaganapAntonio M. Cailao, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap
Pangasiwaang sumasaklawKagawaran ng Enerhiya (Pilipinas)
Bansag
Nagpapalatang kami ng mga Pilipino
Website
www.pnoc.com.ph

Ang Philippine National Oil Company o PNOC, maaari ring Pambansang Kompanya ng Langis ng Pilipinas, ay isang kompanya na pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas. Itinatag ito noong 9 Nobyembre 1973 sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 334 upang ibigay at mapanatili ang sapat na paglalaan ng langis.[1]

Ang himpilan ng enerhiyang heotermal na pinapatakbo ng PNOC sa Valencia, Silangang Negros.

Pagkatapos ng pagkatatag, ang PNOC ay naglilingkod bilang susi ng institusyon sa kaunlaran ng panggagalugad at paggamit ng mga likas na pinagkunang-yaman ng enerhiya. Ang mga kaunlaran sa bansa gayundin sa pandaigdigang larangan ay ginagawa nitong pautos ukol sa kompanya upang maging higit na mabahagi sa bago at muling-nagbabagong gawain at proyektong enerhiya. Ang unang planta ng enerhiya ng bansa ay ginatungan ng likas na gas mula sa balon sa San Antonio, Echague, Isabela, naglalalaan ng elektrisidad sa mga 10,000 sambahayan rural sa mga iba-ibang bayan sa paligid ng lugar. Noong 1993, ang PNOC ay nakapagsuong sa mga petrokemikal, nakapagtayo ng kauna-unahang ari-ariang pang-industriya ng petrokemikal sa Limay, Bataan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay ang pinakamalaking tagagamit ng basang singaw na teknolohiya sa operasyong heotermal. Ito'y nakaranggo sa ikalawa sa Mga Nagkakaisang Estado pagdating ng kabuuang megawat na nilikha mula sa enerhiyang heotermal.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]