Pumunta sa nilalaman

Pambansang Liwasan ng Killarney

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambansang Liwasan ng Killarney
Páirc Náisiúnta Chill Airne
IUCN category II (national park)
Map showing the location of Pambansang Liwasan ng Killarney
LocationKillarney, Ireland
Nearest cityCork
Area102.89 km2 (39.73 mi kuw)
Established1932; 92 taon ang nakalipas (1932)
Governing bodyNational Parks and Wildlife Service (Ireland)
Websitenationalparks.ie/killarney/

Ang Pambansang Liwasan ng Killarney (Irlandes: Páirc Náisiúnta Chill Airne) ay ang unang pambansang parke sa Irlanda. Nilikha ito noong ibinigay ang Muckross Estate sa Irish Free State noong 1932. Simula noon, ang parke ay pinalawak at sumasaklaw sa higit sa 102.89 kilometro kwadrado (25,425 ektarya) ng iba't ibang ekolohiya, kabilang na ang Lawa ng Killarney, kagubatan na may mga robles o oak at yew, na may kahalagahan pang-internasyonal, [1] at mga taluktok ng bundok. [2] Nagtataglay ito ng nag-iisang kawan ng pulang usa sa Irlanda at sumasakop ang liwasan sa pinakamalawak na katutubong kagubatan na natitira sa Irlanda.[3] Ang parke ay mayroong mataas na halagang pang-ekolohikal dahil sa kalidad, pagkakaiba-iba, at lawak ng mga tirahan ng mga sari-saring mga species na ang ilan ay bihira . Ang parke ay itinalagang UNESCO Biosphere Reserve noong 1981. [4] Ang liwasan ay bahagi ng Espesyal na Lugar ng Konserbasyon (Inggles: Special Area of Conservation) at Espesyal na Pook ng Proteksyon (Inggles: Special Protection Area).

Paglikha ng liwasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binili ng Amerikanong si William Bowers Bourn ang Muckross Estate noong 1910 bilang regalo sa kasal ng kanyang anak na babae na si Maud kay Arthur Vincent.[5] Gumastos sila ng £110,000 para sa pagpapaganda ng ari-arian simula 1911 hanggang 1932. Gumawa sila dito ng Sunken Garden, Stream Garden, at hardin ng bato sa nakalitaw na bahagi ng limestone.[6]

Ang Muckross House na makikita sa tuktok ng Bundok ng Torc

Namatay si Maud Vincent noong 1929 dahil sa pneumonia.[6] Noong 1932 ay ibinigay ni Arthur Vincent at ng kanyang mga biyenan ang Muckross Estate sa Irish state bilang alaala kay Maud. Ang ari-arian na may sukat na 43.3 kilometro kwadrado (10,700 ektarya) estate ay pinangalanang Bourn Vincent Memorial Park. Nalikha ang pambansang liwasan noong isinabatas ng pamahalaan ng Irlanda ang Bourn Vincent Memorial Park Act noong 1932. [7]

Lawa ng Killarney

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga Lawa ng Killarney na makikita mula sa Ladies View
Ang Lawa ng Killarney
Ang Purple Mountains na makikita mula sa Itaas na Lawa

Kabilang sa mga Lawa ng Killarney ay ang Lough Leane (ang ibabawang lawa), ang Lawa ng Muckross Lake (ang gitnang lawa), at ang Itaas na Lawa. Magkakaugnay ang mga lawang ito at sumasakop sa halos ikaapat na bahagi ng liwasan. Nagtatagpo ang mga lawa sa Meeting of the Waters na isang sikat na destinasyon ng mga turista.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Perrin, Philip M.; Daniel L. Kelly; Fraser J.G. Mitchell (1 Disyembre 2006). "Long-term deer exclusion in yew-wood and oakwood habitats in southwest Ireland: Natural regeneration and stand dynamics". Forest Ecology and Management. 236 (2–3): 356–367. doi:10.1016/j.foreco.2006.09.025.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. National Parks and Wildlife Service (1 Abril 2005). "Killarney National Park Site Synopsis" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Nobyembre 2007. Nakuha noong 1 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kelly, Daniel L. (Hulyo 1981). "The Native Forest Vegetation of Killarney, South-West Ireland: An Ecological Account". The Journal of Ecology. 69 (2): 437–472. doi:10.2307/2259678. JSTOR 2259678.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. National Parks and Wildlife Service (5 Disyembre 2005). "Killarney National Park, Macgillycuddy's Reeks and Caragh River Catchment Site Synopsis" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 19 Nobyembre 2007. Nakuha noong 1 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dúchas. "Muckross House, Gardens and Traditional Farms". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2007. Nakuha noong 1 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Muckross Research Library. "Former Muckross Owners". Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2009. Nakuha noong 1 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Dúchas. "History of the Park". Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2007. Nakuha noong 1 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Dúchas. "The Lakes". Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2007. Nakuha noong 1 Hulyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)