Pambansang Liwasang Deosai
Pambansang Liwasang Deosai | |
---|---|
(Urdu: دیوسای٘; Balti: غبیارسہ) | |
Location | Skardu, Gilgit Baltistan, Pakistan |
Area | 3,000 km2 (1,200 mi kuw) |
Website | dnp.gog.pk |
Ang Pambansang Liwasang Deosai (Urdu: دیوسائی نیشنل پارک) ay isang mataas na kapatagang alpino at pambansang liwasan sa hilagang Pakistan. Matatagpuan ito sa loob ng Distrito ng Skardu sa Gilgit Baltistan. Nakatayo ang Kapatagang Deosai sa balasak na kataasan ng 4,114 metro (13,497 ft) higit sa antas ng dagat.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang 'Deosai' (Urdu: دیوسای٘) ay nangangahulugang 'ang lupain ng Higante' sa Urdu. 'Ghbiarsa' ang tawag ng mga taong Balti sa lugar (Balti: غبیارسہ) na tumutukoy sa 'Palasyo ng Tag-init' dahil mapupuntahan lamang ito sa tag-init.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Pambansang Liwasang Deosai sa gitna ng Kharmang, Astore at Skardu sa Gilgit Baltistan. Mayroon itong balasak na kataasan ng 4,114 metro (13,497 ft) higit sa antas ng dagat,[1] kaya ang Kapatagang Deosai[2] ay ang ikalawang pinakamataas na talampas sa mundo pagkatapos ng Tibetanong Talampas ng Changtang. Pinoprotektahan ng parke ang lugar na 3,000 kilometrong parisukat (1,200 sq mi). Kilalang kilala ito dahil sa kanyang masaganang kahalamanan at kahayupan ng eco rehiyong kapatagang alpino ng Karakoram-Kanlurang Tibetanong Talampas. Sa tagsibol, mayroong napakaraming ligaw na bulaklak at iba't ibang mga paruparo rito.
Mga ruta ng paglalakbay sa rehiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mapupuntahan ang Deosai mula sa Distrito ng Skardu sa hilaga, Distrito ng Galtari Kharmang sa timog-silangan at ang Distrito ng Astore sa kanluran. Matatagpuan ang Deosai sa humigit-kumulang 30 km mula sa lungsod ng Skardu, at ito ang pinakamaikling ruta upang bisitahin ang Deosai. Karamihan sa mga dayuhan ay bumibisita sa Deosai mula sa Skardu. Umaabot ng isang oras upang abutin ang pinakamataas na punto ng Deosai sa pamamagitan ng Sadpara Skardu. Ang isa pang ruta ay mula sa lambak ng Astore sa pamamagitan ng Chilim. Mapupuntahan din ito mula sa lambak ng Shila. Naglalakbay ang mga tao ng Galtari sa pamamagitan ng Deosai ngunit liwasan ito at kaunti lamang ang mga taong nakatira rito. May isa pang ruta na tinatawag na Burgi la sa pamamagitan ng lambak ng Tsoq Kachura Skardu.[3] [4][5]
Heolohiya at lupa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malubhang bagbag ang mga lupa ng lugar na ito na may mas magaspang na uri at halo-halo sa mga graba at mga bato ng iba't ibang materyales at sukat. Sa mga patag na lugar sa gitna ng mga bundok, malalim ang lupa na may mga malabong halaman.
Kahayupan at kahalamanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang Pambansang Liwasang Deosai noong 1993 upang maprotektahan ang kaligtasan ng ursus arctos isabellinus at ang tirahan nito. Matagal nang naging premyong pagpatay para sa mga mandaragit at mangangaso, may pag-asa na ngayon ang oso na mabuhay sa Deosai kung saan nadagdagan ang bilang nito mula 19 lamang noong 1993 hanggang 40 noong 2005. Sa huling dekada, may ginawang kaunti ngunit epektibong hakbang ang Pamahalaan ng Pakistan para sa kaligtasan ng kayumangging oso sa rehiyon. Noong 1993, itinatag ang Proyektong Himalayang Kahayupan na may malaking suportang pinansiyal mula sa mga pandaigdigang alalahanin sa kapaligiran. Ngunit napapanganib pa rin ang kayumangging oso. Ang Kapatagang Deosai ay tahanan din ng Himalayang aybeks, pulang soro, ginintuang marmota (Phia ang lokal na pantawag), abuhing lobo, urial ng Ladakh, panthera uncia at higit sa 124 residente at mga migratoryang ibon. Kabilang sa mga ibon sa liwasan ang ginintuang agila, gypaetus barbatus, gyps fulvus, falco jugger, falco peregrinus, falco tinnunculus, accipiter nisus at mga tetraogallus.
Matatagpuan ang sumusunod na sarihay sa Deosai:
Artemisia maritima, Polygonum affine, Thalictrum alpinum, Bromus oxyodon, Saxifraga flagellaris, Androsace mucronifolia, Aster flaccidus, Barbarea vulgaris, Artemisia maritima, Agropyron longearistatum, Nepeta connate, Carex cruenta, Ranaculyus laetus, Arenaria neelgerrensis, Astrogalus leucophylla, Polygonum amplexinade, Echinop nivetus, Seria chrysanthenoides, Artemisia maritima, Dracocephalum nutsus, Anapalas contorta, Chrysopogon echinulatus at Dianthus crinitus. May mga nakaranas din ng ilang mga nakapagpapagaling na halaman na sikat sa lokalidad tulad ng Thymu linearis (Reetumburuk), Saussures lappa (kuth), Ephedra intimedia (Say), Viola canescens (Skora-mindoq), Dracocephalum muristanicum (Shamdun) at Artemisia maritima (Bursay) atbp na ginagamit para sa tradisyonal na gamot.
Mga pagtukoy sa kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Herodotus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapahayag ng pananaliksik mula sa Pranses na etnologo na si Michel Peissel na nakabatay ang kuwento ng 'mga langgam na humuhukay ng ginto' na iniulat ng Griyegong mananalaysay na si Herodotus, na buhay noong ika-5 siglo BC, sa ginintuang Himalayang Marmoto ng talampas Deosai at ang ugali ng mga lokal na tribo gaya ng Minaro na kumolekta ng gintong gabok na hinuhukay mula sa kanilang mga lungga.[6]
Sa pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang seryeng pelikulang dokumentaryo na Land of the Tiger noong ika-5 episodyo - ipinapakita ng "Mountains of the Gods" ang mga halaman at hayop ni Deosai.
- Karakoram Heliski 2013 ng Walkabout Films
- Pelikulang dokumentaryo "DEOSAI - The Last Sanctuary" ng Walkabout Films
Gumagawa rin ang Pakistaning mang-aawit na si Ali Zafar ng isang pelikula na nakabatay sa Deosai.[7][8][9]
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Karaniwang kailangan gumamit ng behikulong 4x4 para mapuntahan ang liwasan
-
Ang Ilog Kala Pani ng liwasan
-
Mapa ng impormasyong panturista
-
Mga ligaw na bulaklak
-
Namumulaklak ang ilan sa mga ligaw na bulaklak ng Deosai sa Agosto
-
Pambansang Liwasang Deosai
-
Pambansang Liwasang Deosai
-
Ilog Sheosar
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Climate Change Impacts on High-Altitude Ecosystems.
- ↑ "Plateau".
- ↑ "Deosai: Anything but plain".
- ↑ "Deosai Plains: Welcome to surreal Pakistan".
- ↑ "My search for the elusive 'giant' of Deosai".
- ↑ Peissel, Michel. "The Ants' Gold: The Discovery of the Greek El Dorado in the Himalayas". Collins, 1984. ISBN 978-0-00-272514-9.
- ↑ "Just in: Ali Zafar dishes on Deosai, his first film production!". 18 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ali Zafar's dream to culminate on the heights of Deosai". 18 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ali Zafar is fighting to get fit for role in upcoming film 'Deosai'". 10 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)