Pampublikong pangangasiwa
Ang pampublikong pangangasiwa ay isang disiplina sa ilalim ng mga agham panlipunan kung saan umiinog ito sa mga pampublikong aspekto ng pamamahala. Bilang akademikong disiplina, pinag-aaralan dito ang pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan at paghahanda para sa mga lingkod-bayan upang magbigay serbisyo sa publiko.[1] Isa itong "larangan na may malawak na saklaw" na ang pangunahing layunin ay ang "isulong ang pamamahala at mga patakaran para sa epektibong pamahalaan. Ang ilan sa mga iba't ibang kahulugan ng kataga ay: "ang pangangasiwa ng mga pampublikong programa"; ang "pagsasalin ng pulitika sa realidad na makikita ng mga mamamayan araw-araw"; at "pag-aaral ng paggawa ng desisyon ng pamahalaan, pagsuri ng mga patakaran, ang iba't ibang mga bagay na gumawa sa kanila, at ang mga bagay na kailangan upang makabuo ng alternatibong patakaran."
Ang pampublikong pangangasiwa ay "tungkol sa mga organisasyon ng mga patakaran at programa ng pamahalaan pati na rin ang pag-uugali ng mga opisyal (kadalasang hindi inihalal) na pormal na responsable sa kanilang pag-uugali." Marami sa mga hindi naihalal na pampublikong tagapaglingkod ay maaaring isaalang-alang bilang mga lingkod-bayan, kabilang ang mga pinuno ng mga kagawaran ng lungsod, kondehan, rehiyon, estado at pederal tulad ng mga direktor ng badyet ng munisipyo, tagapangasiwa ng yamang tao, mga tagapamahala ng lungsod, mga tagapamahala ng sensus, mga direktor ng kalusugang pang-isipan ng estado, at mga kalihim ng gabinete. Ang mga pampublikong tagapangasiwa ay mga lingkod-bayan na nagtatrabaho sa mga pampublikong kagawaran at ahensya, sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Sa Estados Unidos, ang mga lingkod bayan at mga nasa akademya tulad ni Woodrow Wilson ay nagpapaunlad ng reporma sa serbisyo sibil noong dekada 1880, na naglagay sa pampublikong pangangasiwa sa akademya. Ngunit "hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo at ang pagpapalaganap ng teorya ng burukrasya ng sosyolohistang Aleman na si Max Weber" ay walang masyadong "interes sa teorya ng pampublikong pangangasiwa." Ang paksa ay maramihang disiplina; isa sa mga iba't ibang panukala para sa mga nasa ilalim ng larangan ng pampublikong administrasyon ay nagtatakda ng anim na haligi, kabilang ang mga yaman tao, teorya ng organisasyon, pagsusuri ng patakaran, estadistika, pagbabadyet, at etika.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Random House Unabridged Dictionary" (sa wikang Ingles). Dictionary.infoplease.com. Nakuha noong 2014-08-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)