Pumunta sa nilalaman

Pamumuhunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pamumuhunan ay oras, enerhiya, o bagay na ginugol sa pagnanais na ito’y magbunga ng benepisyo sa loob ng isang nakatakdang oras sa hinaharap. Ang puhunan ay may magkaibang kahulugan sa pananalapi at sa ekonomika.

Sa pananalapi, ang puhunan ay ang pagbili ng isang bagay na may halaga upang ito'y magbunga ng kita o tumaas pa ang halaga sa hinaharap at maaaring ipagbili sa mas mataas na presyo. Ang pagdeposito sa bangko o sa ibang katulad na institusyon ay karaniwang hindi tinatanggap bilang puhunan. Ang terminong ito ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa isang pangmatagalang layunin. Kasalungat nito ang pagkalakal o pag-espekula, kung saan ito’y pangmaikling panahon at mayroong mas mataas na panganib. Maraming anyo ang puhanan mula sa ligtas ngunit may mababang kitang government bonds hanggang sa mapanganib ngunit may mataas na kitang international stocks. Ang isang mahusay na paraang pamumuhunan ay ang paghihiwalay ng portfolio ayon sa mga pangangailangan. Mayroon ding mga digital platform para sa pagsusuri ng portfolio at pamamahala ng pamumuhunan.

Si Warren Buffett ay ang pinakakilala at pinakamatagumpay na mamumuhunan sa kasaysayan. Sa isyu ng magasin ng Forbes noong Marso 2013, siya ay pumangalawa sa talaan ng Forbes 400[1]. Si Buffet ay nagpayo sa maraming artikulo at panayam na ang isang mahusay na pamumuhunan ay pangmatagalan at ang pagpili ng tamang bagay na pagpupuhunan ay nangangailangan ng tiyaga. Si Edward O. Thorp, isang matagumpay na hedge fund manager noong 1970s at 1980s, ay may magkatulad na pananaw din gaya kay Buffet[2]. Isa pang pagkakatulad ng dalawa ay ang magkaparehong pananaw nila sa paghawak ng kita o pera mula sa kanilang puhunan. Kahit gaano pa katagumpay ang unang pagpupuhunan, kung hindi naman tama ang paraan ng pamamahala ng pera, ang buong potensyal ng puhunan ay hindi makakamit.

Mikropamumuhunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mikropamumuhunan ay isang uri ng estratehiya sa pamumuhunan na idinisenyo upang gawing regular, abot-kaya, at mura ang pagsasagawa ng pamumuhunan, lalo na para sa mga maaaring may kaunting pera para ipuhunan o mga nagsisimula pa lamang.[3][4]

Tagapamagitan at kolektibong pamumuhunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasang isinasagawa ang pamumuhunan nang hindi tuwiran sa pamamagitan ng mga institusyong pinansyal na tagapamagitan. Kabilang sa mga tagapamagitan na ito ang mga pondo ng pensiyon, mga bangko at mga kompanya ng seguro. Maaari nilang pagsamahin ang mga pondo mula sa maraming indibidwal na mamumuhunan sa mga pondo tulad ng investment trusts, mutual funds at SICAV upang makapagsagawa ng malakihang pamumuhunan. Ang bawat indibidwal na mamumuhunan ay may tuwiran o hindi tuwirang karapatan sa mga nabili o napundar na asset, na binabawasan ng mga komisyong sinisingil ng tagapamagitan, na maaaring malaki at magkakaiba.

Sa konteksto ng pagmemerkado ng kolektibong pamumuhunan, kung minsan ginagamit ang mga pamamaraan sa pamumuhunan tulad ng dollar-cost averaging at ang pagtukoy ng pinakamainam na oras ng pagpasok sa merkado.

Pag-IBIG MPII

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pag-IBIG MP2 at isang boluntaryong programang pag-iimpok at pamumuhunan na inaalok ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund. Ito ay nilikha para sa mga kasapi ng Pag-IBIG na nagnanais na lumago ang kanilang pondo nang mas mabilis kaysa sa karaniwang pag-iimpok sa ilalim ng programa ng Pag-IBIG.[5] Inilunsad noong 2010, ang boluntaryong programang Pag-IBIG MP2, na minodipika bilang Pag-IBIG II o simpleng MP2, ay isang government voluntary savings program na nagbibigay ng taunang dibidendo na hindi ipinapataw sa buwis, na 50 basis points na mas mataas kaysa sa ibinibigay sa mandatory o regular na pagiging kasapi.[6][7] Ang laki ng dibidendo ay nagbabago taun-taon at tinutukoy batay sa pinansyal na resulta ng pondo para sa nasabing taon. Ang termino ng programa ay limang taon, ang pinakamababang kontribusyon ay 500 piso, at walang itinakdang pinakamataas na kabuuang kapital.[8] Maaaring ihulog ang mga kontribusyon sa pamamagitan ng iba’t ibang mga channel ng pagbabayad o sa pamamagitan ng payroll deduction ayon sa kasunduan sa employer.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kroll, Luisa. "Inside The 2013 Forbes 400: Facts And Figures On America's Richest". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-03-18.
  2. "Ed Thorp". Arts at MIT (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-03-23.
  3. "What Micro Investing is and How it Works?" (sa wikang Ingles). www.asiacommodity.market. Nakuha noong 2026-03-01.
  4. "Micro Investing: Small Steps to Big Savings" (sa wikang Ingles). www.loancenter.com. Nakuha noong 2026-03-01.
  5. "Pag-IBIG MP2 Savings Program: Step-by-Step Guide" (sa wikang Ingles). ploan.ph. Nakuha noong 2026-03-01.
  6. "Pag-IBIG's Voluntary Savings Plan is Still Better than Most Time Deposits" (sa wikang Ingles). www.esquiremag.ph. Nakuha noong 2026-03-01.
  7. "MP2 Savings to reach P10B" (sa wikang Ingles). www.sunstar.com.ph. Nakuha noong 2026-03-01.
  8. "Pag-IBIG members save P13B in MP2 last year" (sa wikang Ingles). www.manilatimes.net. Nakuha noong 2026-03-01.
  9. "What are safe and important investments for your family during this time?" (sa wikang Ingles). mb.com.ph. Nakuha noong 2026-03-01.