Pananakit ng bayag
![]() 1 - 6: Epididymis 7: Vas deferens | |
MedlinePlus | 003160 |
---|
Ang pananakit ng supot ng bayag (Ingles: scrotal pain) at ang pananakit ng itlog ng tamud (Ingles: testicular pain) ay ang pamamaga, pananakit, at pagkirot ng supot at itlog ng bayag ng isang lalaking tao. Ang nadadamay ng pananakit na ito ay ang kanan o kaliwang bahagi ng bayag. Bakasakaling ito ay isang banta ng iba pang kalagayan. Maari itong ipatingin sa manggagamot upang maagapan.[1]
Mga sanhi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pananakit ng supot o itlog ng bayag ay sakaling dahil sa pagsakop ng mikrobyo tulad ng pagsakop sa lagusan ng ihi, at sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (halimbawa ang gonorrhea at sa chlamydia). Nagiging sanhi rin ng pananakit ng supot o itlog ng bayag ang pagkaipit o pagkapulupot ng ugat na nasa bayag, na tinatawag sa Ingles na "testicular torsion" at "varicocoele." Nagdudulot din ng ganitong pananakit ang luslos. Maaring maging sanhi ng pagkirot ng supot at itlog ng bayag ang pananakit, at pagkaipit ng mga kalamnan na malapit dito. Maari ring sumakit ng panandalian ang itlog ng bayag matapos ang matagal na pagtigil sa pagsisiping, at pagsasalsal. Ang ganitong pananakit ng itlog ng bayag ay tinatawag na blue balls sa Ingles, na may tuwirang kahulugan na "bughaw na mga itlog."[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 MGA KAALAMAN TUNGKOL SA PANANAKIT NG BAYAG Naka-arkibo 2013-11-29 sa Wayback Machine., KALUSUGAN PH