Pandanggo
Ang pandanggo ay isang Pilipinong sayawing pambayan na naging popular sa kanayunan sa Pilipinas. Umunlad ang sayaw mula sa fandango, isang Kastilang sayawing pambayan, na dumating sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Kastila. Sinasamahan ang sayaw ng mga kastanyedas.[1] Naging tanyag ang sayaw na ito, kasama ang jota, sa mga ilustrado o ang mataas na uri at sa kalaunan, hinalaw ng mga lokal na pamayanan. Noong maagang ika-18 dantaon, tinatawag na pandanggo ang kahit anumang sayaw na masayahin o masigla.
Mga bersyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong maraming bersyon ang sayaw at mayroon ang bawat lokalidad ng sariling bersyon nito. May maraming paraan ang mga lokal na mananayaw sa pagsasagawa ng pandanggo, subalit mayroon isang bagay na karaniwan sa pagitan ng iba't ibang bersyon: mayroon silang mga pigurang masaya at masigla. Maari itong sayawin sa kahit anumang pagtitipon at kadalasang sinasamahan ng pagpalakpak. Sa ilang mga lugar, may mga musikero ang hindi tumitigil sa pagtugtog hanggang sa nakasayaw ang apat o limang pares, isa pagkatapos ng isa. Kapag napagod ang isang pares, isang pares uli ang papalit hanggang wala ng maaring magsayaw. Nagpapatugtog ang mga musikero ng pabilis ng pabilis pagkatapos ng bawat pag-uulit hanggang napagod na ang mga sumasayaw.
Dalawa sa pinakapopular na bersyon ng pandanggo, bilang isang sining ng pagtatanghal, ay ang pandanggo sa ilaw mula sa Mindoro at ang oasioas. Nagmula ang pandanggo sa ilaw sa Pulo ng Lubang, Mindoro, na kinabibilangan ng pagbalanse ng mga ilaw sa kandila ng mga mananayaw.[2] Ginagamit ng isa pang Pilipinong sayawing pambayan, ang Cariñosa, ang pandanggo bilang batayang sayaw nito. Sinasayaw pa rin ang pandanggo ng maraming tao subalit karamihan sa mga pangrelihiyong ritwal at prusisyon tulad ng Pandangguhan sa Pasig, sa panahon ng prusisyon ni Santa Martha, at ang Sayaw sa Obando na may pandanggo para sa mag-asawang hindi magkaanak.[3] Habang napalitan ang fandango sa Espanya ng makabagong bersyon, ang flamenco, umunlad ang pandanggo sa isang popular na sayawing pambayan, at naging isang sayawing ritwal sa maraming prusisyong pangrelihiyon sa Pilipinas.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Casanova, Arthur de la Peña (2001). Diksyunaryo sa drama at teatro. Rex Bookstore, Inc. p. 510. ISBN 978-971-23-3084-1. Nakuha noong 19 Mayo 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soliman, Michelle Anne P. (23 Mayo 2019). "Oriental Mindoro eyes cultural heritage, agri-tourism as draws". www.bworldonline.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Mayo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hermosa, Christina (15 Mayo 2020). "Feast of San Pascual Baylon on May 17". Manila Bulletin News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Mayo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ PHILIPPINE NATIONAL DANCES. PHILIPPINE FOLK DANCES AND GAMES. Francisca Reyes-Aquino. "DAGAW: Eastern Visayan Culture" ng "Saiaopinoi", Ybabao Chapter of the Balangaw Kandabaw Foundation, Inc. (sa Ingles)