Pangako ng kadalisayan
Ang pangako ng kadalisayan (o pangako ng abstinensya) ay mga pangako na ginagawa ng mga kabataan at ng mga batang adulto na pigilin ang sarili mula sa pagtatalik hanggang sa kasal. Karaniwang ang pangakong ito sa Estados Unidos, sa Ebandyelikong Kristiyanong sekta.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang programa ng pangako ng kadalisayan ay ang True Love Waits (Naghihintay ang Tunay na Pag-ibig), na nagsimula noong 1993 sa pamamagitan ng Pagpupulong ng Katimugang Iglesiang Bautista, na sa ngayon ay nagtatala nang higit sa 2.5 milyong nangangako galing sa dose-dosenang mga bansa sa buong mundo. Isang dagsa ng mga programa ng pangako ng kadalisayan ang sumunod.
Isa pang kilalang pangako ng kadalisayan na programa ay ang Silver Ring Thing (SRT) na nagsimula noong 1995 na itinampok sa daan-daang mga medya na tampok sa buong mundo. Noong 2005, ang American Civil Liberties Union (ACLU) ay isinakdal ang Kagawaran ng Kalusugan at Serbisyong Tao ng Estados Unidos sapagkat naniniwala ito na ang SRT ay ginagamit ang mga buwis na dolyar upang itaguyod ang Kristyanismo. Ang SRT ay naglahad ng dalawang bahaging programa, ang unang bahagi tungkol sa abstinensya, ang ikalawa ang tungkol sa kung paano ang pananampalataya ng mga Kristiyano na tumugma sa isang pangako ng abtinensya. Ayon sa ACLU ang pederal na pondo na ibinigay sa programa na ito ay lumabag sa paghihiwalay ng simbahan at estado.
Noong Agosto 22, 2005, ang departamento ay sinuspinde ang $ 75,000 na pederal na kaloob ng SRT hanggang sa ito ay magsumite ng planong may aksyon pagtatama. Noong 2006, isang panukala ang tinanggap ng departamento, ang kaso ay nawala at natanggap ng SRT ang pagpopondo ng pederal na pamahalaan. Ang mga programang pangako ng kadalisayan ay may iba't-ibang katayuan sa papel na ginagampanan ng relihiyon sa pangako: ang ilan ay ginagamit ang relihiyon upang mahikayat ang mga pangako, paglalagay ng mga bersikulo mula sa Bibliya sa mga kard, habang ang iba ay gumagamit ng mga estadistika at mga argumento upang mahikayat ang pangako. Ang mga pagtatanggol sa mga pangako sa kadalisayan ay madalas na kaisa sa suporta para sa araling pangpagtatalik na abstinensya lamang sa mga pampublikong paaralan. Ipinaliwanag ng mga tagapagtaguyod na ang anumang iba pang uri ng araling pangpagtatalik ay magtaguyod ng pagtatalik bago ikasal, na ipinapalagay nila na maging imoral at mapanganib.
Pag-aaral ng mga pangako ng kadalisayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon ng maraming mga kauring pag-aaral ('peer-reviewed) ng mga pangako ng kadalisayan na may iba't ibang mga resulta. Apat sa limang mga kauring pag-aaral at ang mga di kauring pag-aaral na tinalakay sa ibaba gumagamit ng parehong mga pederal na datos, ang National Longitudinal Study of Adolescent Health (Add Health), kung saan 13,000 na kabataan ang ikinapanayam noong 1995, 1996, at 2000. Ang iba pang mga kauring pag-aaral ay gumamit ng isang pag-aaral ng mga pangako ng kadalisayan sa California.
Ang unang kauring pag-aaral ng mga nangako sa kadalisayan (sa pamamagitan ng mga sosyolohistang sina Pedro Bearman ng Columbia at Hannah Brueckner ng Yale) na natagpuan sa taon matapos ang kanilang pangako, ilang mga nangako sa kadalisayan ay mas malamang na pinagpapaliban ang pagtatalik kaysa sa di mga nangako; kapag ang mga nangako sa kadalisayan ang nakikipagtalik, ang mga ito ay mas madalang na gumamit ng kontrasepsyon kaysa sa di nangako. Natagpuan ng pag-aaral na ito, gayunpaman, na ang pangako sa kadalisayan ay epektibo lamang sa mataas na paaralan na kung saan ang halos sa 30% ng mga mag-aaral ay kumukuha ng pangako, ibig sabihin, hindi ito epektibo bilang isang unibersal na sukatan. Ang kanilang pagsusuri na ang kilusan ng pagkakakilanlan ay gumagana kapag may isang kritikal na masa ng mga miyembro: masyadong kaunting mga kasapi, at mga taong wala ang bawat isa para sa panlipunang suporta, at masyadong maraming mga kasapi, at mga taong pakiramdam nila ay naiiba sila dahil sa pagkuha ng pangako.
Ang ikalawang kauring pag-aaral, ayon din kay Bearman at Brueckner, tinitingnan ang mga nangako sa kadalisayan limang taon matapos ang kanilang mga pangako, at natagpuan na sila ay may katulad na proporsyon ng Sexually Transmitted Diseases (STDs) o mga Sakit na Naisasalin sa pamamagitan ng Pagtatalik at hindi bababa sa bilang ng mataas na proporsyon ng anal (sa puwit) at oral (sa bunganga) na pakikipagtalik sa bilang ng mga hindi nangako. Hinuha nila na ang mga nangako ay maaaring palitan ang aktuwal na pagtatalik ng oral at anal na pagtatalik. Ang datos para sa anal na pagtatalik na walang aktuwal na pagtatalik ay iniulat ng mga lalaki ay hindi pinakita na ito ay direkta. Ang pag-aaral na ito rin ay tinatayang ang mga lalaking nangako ay 4.1 beses na mas malamang na mananatiling dalisay sa edad 25 kaysa sa mga taong hindi nangako (25% laban sa 6%), at tinatayang ang mga babaeng nangako ay 3.5 beses na mas malamang na mananatiling dalisay sa edad 25 kaysa sa mga na hindi nangako (21% laban sa 6%). Sa pag-aaral rin ay mapapansin na ang mga hindi pa nangako ay naging sekswal na aktibo ay iniulat na mas may kaunting mga kapareho at hindi naisapanganib ng STD hangga't sa hindi nangangako.
Ang ikatlong kauring pag-aaral - ni Melina Bersamin at ng iba sa Prevention Research Center (Sentro ng Pagsasaliksik ng Pagpigil), sa Berkeley, California - ay natagpuan na ang mga kabataan na gumawa ng isang impormal na pangako sa kanilang sarili na hindi na makikipagtalik ay pagpapaliban ang pagtatalik, ngunit ang mga kabataan na kumuha ng isang pormal na pangako ng kadalisayan ay hindi ipinapapaliban ang pagtatalik.
Ang ikaapat na kauring pag-aaral - ng Harvard na mananaliksik na si Janet Rosenbaum na inilathala sa American Journal of Public Health (Amerikanong Dyornal ng Pampublikong Kalusugan) noong Hunyo 2006 - ay natagpuan na higit sa kalahati ng mga kabataan na nangako ay sinabi sa sumusunod na taon na hindi kailanman sila nangako. Ang pag-aaral na ito ay nagpakita na ang mga taong nangako ngunit nakipagtalik ay malamang na ikaila na nangako kailanman; at marami sa mga sekswal na aktibo bago mangako ay ikakaila sekswal na kasaysayan, na kung saan, ito ay magmanukala, maaaring maging sanhi ito upang maliitin ang kanilang panganib ng pagkakaroon ng STD.
Ang ikalimang kauring na pag-aaral, ni Janet Rosenbaum din na inilathala sa Journal Pediatrics (Dyornal na Pedyatrya) noong 2009, ay natagpuan na walang pagkakaiba sa sekswal na pag-uugali ng mga nangako at mga katulad na hindi nangako limang taon matapos mangako, ngunit natagpuan na ang mga nangako ay 10 porsyentong puntos na mas mababa ang pagkakataon na gumamit ng condom at 6 porsyentong puntos na mas malamang na gumamit ng pagpigil sa panganganak kaysa sa mga katulad na hindi nangako. Ayon kay Rosenbaum, sa mga nakaraang pananaliksik natuklasan na ang nangako sa kadalisayan na ipinagpaliban ang pagtatalik ay maaaring maapektuhan ng kawalan ng kakayahan ng kanilang mga estadistikang pamamaraan upang isaayos ng ganap ang umiiral na pagkakaiba sa pagitan ng mga nanganko at di nangako: ang mga nangko ay mas negatibo patungo sa pagtatalik bago ikasal bago pa man mangako, kaya hinuhulaan na ipagpapaliban ang pagtatalik kahit na hindi sila nangako. Paghahambing na mga nangako sa mga katulad na hindi nangako ay ang tanging paraan upang maging tiyak na ang epekto ay galing mula sa mga nangako sa halip na sa mga umiiral nung una na mas higit na paniniwala ng mga nangako na ang seksuwalidad ay dapat isara sa matrimonyal na konteksto.
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangako ng True Love Waits noong 1993 ay ganito:[1]
"Believing that true love waits, I make a commitment to God, myself, my family, those I date, and my future mate to be sexually pure until the day I enter marriage." ("Sa paniniwalang naghihintay ang tunay na pag-ibig, nangangako ako sa Diyos, sarili, aking mag-anak, sa aking katipan, at sa aking hinaharap na kabiyak na magiging dalisay sa sekswal na aspeto hanggang sa araw na ako ay pumasok sa kasal.")
Mas bagong pangako ng True Love Waits:[2][3]
"Believing that true love waits, I make a commitment to God, myself, my family, my friends, my future mate, and my future children to a lifetime of purity including sexual abstinence from this day until the day I enter a Biblical marriage relationship." ("Sa paniniwalang naghihintay ang tunay na pag-ibig, nangangako ako sa Diyos, sarili, aking mag-anak, aking mga kaibigan, sa aking hinaharap na kabiyak, at sa aking hinaharap na mga anak sa isang habang-buhay na kadalisayan kabilang ang seksuwal na pangilin mula sa araw na ito hanggang pumasok ako sa isang pang-Bibliyang pakikipag-ugnayang kasal.")
Pangakong True Love Waits noong 2009:
"I am making a commitment to myself, my family, and my Creator, that I will abstain from sexual activity of any kind before marriage. I will keep my body and my thoughts pure as I trust in God's perfect plan for my life."
(banggit sa kard) "It is God's will that you should be sanctified: that you should avoid sexual immorality; that each of you should learn to control his/her own body in a way that is holy and honorable." 1 Thess 4:3-4 (Gumagawa ako ng isang pangako sa aking sarili, aking mag-anak, at sa aking Manlilikha, na mangingilin ako mula sa gawaing seksuwal ng anumang uri bago ang kasal. Pananatilihin kong dalisay ang aking katawan at aking isipan habang nagtitiwala ako sa ganap na balakin ng Diyos sa aking buhay."
(banggit sa kard) "Sapagka't ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid; Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan." 1 Tesa 4:3-4)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Robinson, B.A. (2005-03-20). "Virginity/sexual abstinence pledges" (sa wikang Ingles). Ontario Consultants on Religious Tolerance. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-04-20. Nakuha noong 2005-03-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "True Love Waits Commitment Card". LifeWay Christian Resources. 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-08. Nakuha noong 2009-05-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-05-08 sa Wayback Machine. - ↑ "The TLW Pledge". LifeWay Christian Resources. 2007. pp. PDF. Nakuha noong 2009-05-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)