Pangangasiwa ng mga liwasan at mga pook na libangan
Ang aralin o programa hinggil sa pangangasiwa o pamamahala ng mga liwasan at rekreasyon (pook na libangan) ay maaaring maging isang pag-aaral na humahantong sa pagkakaroon ng degri ng pagkabatsilyer sa agham. Isa itong programang pang-edukasyon na nakapagbibigay sa mag-aaral ng karanasan kung paano mamahala o mangasiwa ng mga liwasan at mga pook na panlibangan, kung paano gumawa ng mga palatuntunang pangrekreasyon, kung paano magbigay ng proteksiyon sa mga rekursong pangliwasan at panglibangan, kung paano maging pinuno, kung paano magpaunawa, kung manalisik, at kung paano magplano ng at para sa pook na libangan o ng liwasan. Ang mga prupesyunal na pangliwasan at pangrekreasyon ay may mahalagang gampanin sa pagseseguro at pagpapanatili ng mga liwasan at mga palingkurang panlibangan para sa pagdating ng hinaharap.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Parks and Recreation Management Program, Department of Geography, Planning and Recreation, College of Social and Behavioral Sciences, Northern Arizona University.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.