Pangangaso ng mga buhakag sa Pilipinas
Ang mga maagang katunayan ng pangangaso ng mga buhakag sa kapuluan ay naitala sa ika-labingpitong siglo.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kaunti lamang ang mga pagtatala ng pangangaso ng buhakag sa Pilipinas. Ang mga Pilipino mangangaso ay dating madalas na humuhuli ng mga buhakag ni Bryde. Ang mga Amerikano at Britanyong mangangaso ay madalas humuhuli ng mga Buhakag na sperm sa Dagat ng Sulu, Mindoro at Celebes. Ang pangangasong Britanyo ay naitala mula 1820 hanggang 1840 habang ang pangangasong Amerikano ay naitala na nangyari mula 1825 hanggang 1880 kasabay ng lokal na pangangaso ng mga Pilipino sa Bohol.[1]
Nagkaroon ng saglit na panahon ng komersyal na pangangaso ng buhakag sa Pilipinas mula 1981 hanggang 1986. Ang mga Pilipinong mangangaso ay nanghuli sa loob ng eksklusibong sonang ekonomiko (EEZ) ng Pilipinas pero naiulat na nanghuhuli rin sila ng buhakag ni Bryde sa tubig panginternasyunal.[1] Ang Pilipinas rin ay dating kasapi ng Komisyong Internasyunal ng Pangangaso ng Balyena mula 1981 hanggang 1988.[2]
Pagbabawal sa pangagaso ng mga buhakag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangagaso ng mga buhakag sa Pilipinas ay ipinagbabawal simulang 1991 sa ilalim ng Utos Administratibo ng Pangisdaan Bilang 185. Ang kautusan ang nagbabawal sa paghuhuli, pagbebenta o paghahakot ng mga lumba-lumba. Inamendyahan ang kautusan noong 1997 para isama ang lahat ng mga Cetacean kasama ang mga buhakag. [1] Ang mga tawag para sa pagbabawal ng pangangaso ng buhakag at lumba-lumba sa Pilipinas ay isinagawa ng mga lokal at panginternasyunal na mga pangkat pagkatapos naitanghal ang tradisyunal na pangangaso ng mga buhakag at lumba-lumba ng mga nakatira sa Pamilacan sa Bohol sa mga diyaryo noong mga 1990s. Bilang kompromiso sa mga residente ng Pamilican na umasa sa pangangaso ng mga buhakag at lumba-lumba, ang panonood sa mga buhakag at lumba-lumba ay isinusulong sa isla bilang alternatibong pagmumulaan ng hanapbuhay at bilang pagsusulong ng turismo sa isla.[3]
Sa kabila ng mga pagbabawal, pinaniniwalaan na hindi naglaho ang industriya ng pangangaso ng mga buhakag sa Pilipinas at naging lihim na industriya.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Acebes, Jo Marie. "Historical whaling in the Philippines: origins of 'indigenous subsistence whaling', mapping whaling grounds and comparison with current known distribution: An HMAP Asia Project Paper" (PDF) (sa wikang Ingles). Asia-Research-Centre. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Disyembre 2013. Nakuha noong 21 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Membership and Contracting Governments" (sa wikang Ingles). International Whaling Commission. Nakuha noong 21 Disyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Acebes, Jo Marie (6 Abril 2012). "In the wild: Bohol's dolphins and whales". GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Disyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)