Panggagalugad sa karagatan
Ang panggagalugad ng karagatan o pananaliksik sa karagatan ay isang bahagi ng oseanograpiya na naglalarawan nang mas pangkalahatan ng eksplorasyon o panggagalugad at pananaliksik ng at sa ibabaw ng karagatan. Isa rin itong kapanahunan nang ang mga tao ay gumalugad sa mga hangganan ng karagatan. Kabilang sa mga natatanging manggagalugad ng karagatan ang mga Griyego, mga Ehipsiyo, mga Polinesyo, mga Pinesyo, si Phytheas, si Herodotus, mga Bikinggo, at ang mga Portuges. Ang paglalakbay sa ibabaw ng karagatan sa pamamagitan ng paggamit ng mga bangka ay maipepetsang mula pa noong mga panahong prehistoriko, subalit sa loob lamang ng modernong kapanahunan naging maaari ang malawak na eksplorasyon na nasa ilalim ng mga katubigan. Ang mga pagsisiyasat na pang-agham ay nagsimula sa sinaunang mga dalub-agham na sina James Cook, Charles Darwin at Edmund Halley. Ang mismong eksplorasyon ng karagatan ay naging kasabayan ng mga pag-unlad sa pagbubuo ng barko, pagsisid, nabigasyon, pagsusukat ng kalaliman, eksplorasyon, at kartograpiya.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.