Pumunta sa nilalaman

Panghukbong gamit sa kabataan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Batang sundalo ng Hukbo ng Republika ng Byetnam

Ang panghukbong gamit sa kabataan ay mayroong tatlong anyo: maaaring makisapi ang mga bata mismo sa labanan (batang sundalo);[1] o maaari silang gamitin sa mga pansuportang papel bilang mga tagapagbuhat, mga ispiya, mga mensahero, mga bantay, o mga aliping sekswal; o maaari silang kapakinabangan bilang mga taong kalasag o sa propaganda.

Sa kasaysayan at sa mararaming kalinangan, malawakang ginamit ang mga bata sa mga kampanyang militar kahit ba ipinagbawal ang ganitong uri ng gawain sa kani-kanilang pangkulturang kagandahang-asal. Simula noong dekada 1970 nagkaroon ng ilang mga pandaigdigang kumbensiyon na binibigyang-hanggan ang pagsapi ng kabataan sa mga armadong alitan. Gayumpaman, ayon sa Coalition to Stop the Use of Child Soldiers, malawak pa rin ang paggamit ng kabataan sa mga hukbong sandatahan, at ang aktibong partisipasyon ng mga bata sa mga armadong alitan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-28. Nakuha noong 2009-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.