Pangkat ng Bangkong Pandaigdig
Itsura
Ang World Bank Group, na sa pagsasalinwika ay Pangkat ng Bangkong Pandaigdig, ay isang pangkat ng limang organisasyong pandaigdigan. Nagbibigay ito ng payo at pananalapi sa mga bansang kasapi para sa kaunlarang pangkabuhayan at pagpapababa ng pagdarahop. Isa itong hindi kumikinabang na samahang pandaigdigan na pag-aari ng mga pamahalaang kasapi. Ang punong-himpilan ng pangkat ay nasa Washington, D.C. sa Estados Unidos. Mayroon ding itong mga tanggapan sa 124 na iba pang mga kasaping bansa. Naiiba ito sa World Bank o Bangkong Pandaigdig.
Ang pangkat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pangkat ng Bangkong Pandaigdig ay binubuo ng limang mga samahan:
- ang International Bank for Reconstruction and Development (IBRD), itinatag noong 1945,
- ang International Finance Corporation (IFC), itinatag noong 1956,
- ang International Development Association (IDA), itinatag noong 1960,
- ang Multilateral Investment Guarantee Agency (MIGA), itinatag noong 1988 and
- ang International Centre for Settlement of Investment Disputes (ICSID), itinatag noong 1966.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.