Pumunta sa nilalaman

Panitikang Amerikano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Panitikang Amerikano ay ang naisulat o gawang pampanitikang nagawa sa pook ng Estados Unidos at Amerikang Kolonyal. Para sa mas espesipikong mga pagtalakay sa panulaan at teatro, tingnan ang Panulaan ng Estados Unidos at Teatro sa Estados Unidos. Sa kapanahunan ng maagang kasaysayan nito, isang serye ng mga kolonyang Britaniko ang Amerika sa silanganing dalampasigan ng pangkasalukuyang panahong Estados Unidos. Kaya't ang tradisyong pampanitikan nito ay nag-uumpisa bilang nakakawing sa mas malawak na tradisyon ng panitikang Ingles. Subalit ang natatanging mga katangiang Amerikano at ang lawak ng produksiyon nito ang karaniwang nakapagsasanhi upang ituring ito bilang isang nakahiwalay na daan at tradisyon

Panitikang kolonyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilan sa pinakamaagang mga anyo ng panitikang Amerikano ay mga pampleto o mga sulating pumupuri sa benepisyo ng mga kolonya kapwa sa madlang Europeo at kolonista. Maituturing si Kapitan John Smith bilang unang may-akdang Amerikano dahil sa kanyang mga gawang: A True Relation of ... Virginia ... (1608) at The General Historie of Virginia, New England, and the Summer Isles (1624). Kabilang sa ganitong mga uri ng manunulat sina Daniel Denton, Thomas Ashe, William Penn, George Percy, William Strachey, Daniel Coxe, Gabriel Thomas, at John Lawson.

Naging paksa din ng maagang mga pagsusulat ang mga alitang pampananampalataya na naging nagbigay ng dahilan sa pagkakaroon ng maliliit na mga pamayanan sa Amerika. May isang aklat-talaan o talaarawan isinulat si John Winthrop na tumalakay sa pundasyong relihiyoso ng Massachusetts Bay Colony. Nagtala rin si Edward Winslow sa kanyang talaarawan ng hinggil sa unang mga taon pagkalipas ng pagdating ng Mayflower. Kasama sa iba pang mga manunulat na naimpluwensiyahan ng relihiyon sina Increase Mather at William Bradford, may-akda ng talaarawang nalathala bilang Kasaysayan ng Taniman sa Plymouth, 1620–47. May ibang katulad nina Roger Williams at Nathaniel Ward na mas mabalasik na tumalakay sa paghihiwalay ng estado at ng simbahan.


PanitikanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.