Panitikang Australyano
Nagsimula ang panitikang Australyano pagkaraan ng pagkakaroon ng maliliit na mga pamayanang Europeo sa bansang Australya. Kabilang sa pangkaraniwang mga tema o paksa ang katauhang indihena o katutubo at taong dayo na namirmihan sa lugar na ito, alyenasyon o pagkakahiwalay o paglayo ng sarili, pagkakapalayas at kaugnayan o relasyon sa lugar na ito.
Maagang mga gawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang maagang mga tanyag na gawa ay mabaling sa saring "mapigtal na sinulid", na naglalahad ng mga kuwentong "derring-do" laban sa bagong prontera o "bungad" ng mga liblib na pook sa Australya (ang outback sa Australya). Inilangkap ng mga manunulat na katulad nina Rolf Boldrewood, Marcus Clarke, at Joseph Furphy ang ganitong nakakakalikaw na mga prinsipyo sa kanilang mga salaysayin at, partikular na si Furphy, ang sumubok na tumpak na maitala ang wikang bernakular ng isang pangkaraniwang Australyano. Nagbigay rin ang mga nobelistang ito ng mahahalagang mga lalim ng pagwawari o nakapaglilinaw na tanaw mga kolonyang penal na tumulong sa pagbubuo ng bansa at pati na ang maagang mga maliliit na pamayanang rural.
Nasulat at nalathala ang unang nobelang Australyanong Quintus Servinton: A Tale founded upon Incidents of Real Occurrence sa Tasmania noong 1831. Isinulat ito ng isang nahatulang manghuhuwad na si Henry Savery at nalathalang hindi nagpapakilala ang may-akda bagaman naging isang lihim ng madla ang pagkakaakda nito. Itinuturing ito bilang isang manipis na nakukubling autobiyograpiyang idinisenyo upang maipakita kung paanong ang kanyang katumbas na kathang-isip ay kakaiba mula sa pangkalahatang populasyon ng mga nahatulan o nasentensiyahan.[1]
Noong 1838, nalathala ang The Guardian: a tale ni Anna Maria Bunn sa Sydney. Ito ang unang nobelang Australyanog nalimbag at nalathala sa punong-lupain ng Australya at ang unang nobelang Australynong naisulat ng isang babae. Isa itong romansang Gotiko.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Turcotte, G. (1998). "Australian Gothic" (pdf - 12 mga pahina). Pakultad ng Sining - Mga papeles. Pamantasan ng Wollongong. Nakuha noong 2008-01-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Australya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.