Panitikang Britaniko
Sa kabuoan, pinakamalaking bahagi ng panitikang Britaniko (Ingles: British literature) ang nasusulat sa wikang Ingles, subalit mayroon ding mga katawan ng mga nakasulat na mga gawang nasa Latin, Welsh, Gaelikong Eskoses, Eskoses, Kornis, Mangks, Jèrriais, Guernésiais, at iba pang mga wika. Mayroong tradisyong pampanitikan na nasa Ingles ang Hilagang Irlanda, pati sa na Ulster-Eskoses at Irlandes. Nagkaroon din ng malaking pagganap ang mga manunulat na Irlandes sa pag-unlad ng panitikang nasa wikang Ingles.
Ang panitikang nasa mga wikang Seltiko ng mga pulo ang siyang pinakamatandang umiiral o nakaligtas na panitikang bernakular sa Europa. Umuunat mula sa ika-6 na daang taon hanggang ika-21 daang taon ang tradisyon ng panitikang Welsh. Hindi kabilang sa teritoryo ng nakikilalang Wales sa kasalukuyan ang pinakamatandang panitikang Welsh, sa halip ay sa Yr Hen Ogledd o hilagang Inglatera at timog Eskosya. Subalit, bagaman may petsa itong mula ika-6, ika-7, at ika-8 na mga daang taon, nakaligtas lamang ito sa anyo ng mga kopya ng manuskrito mula sa ika-13 at ika-14 na mga daang taon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, United Kingdom at Hilagang Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.