Pumunta sa nilalaman

Panitikang panghudyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panitikang Hudyo)

Ang panitikang panghudyo ay tumutukoy sa mga akdang isinulat ng mga Hudyo hinggil sa mga temang panghudyo, mga akdang pampanitikan na mayroong sari-saring mga tema na isinulat sa mga wikang panghudyo, o mga akdang pampanitikan na nasa ibang wika na isinulat ng mga manunulat na Hudyo.[1] Ang sinaunang panitikang Hudyo ay kinabibilangan ng panitikang pambibliya at panitikang rabiniko. Ang midyebal na panitikang Hudyo ay kinabibilangan ng hindi lamang literaturang rabiniko subalit pati na rin ng panitikang pang-etika, panitikang pampilosopiya, at mga kasamu't sariang sekular.[1] Ang produksiyon ng panitikang Hudyo ay namukadkad sa pamamagitan ng makabagong paglitaw ng sekular na kulturang Hudyo. Ang modernong panitikang Hudyo ay kinabibilangan ng panitikang Yiddish, panitikang Ladino, panitikang Hebreo (natatangi na ang panitikang Israeli), at pantikan ng Amerikanong Hudyo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

PanitikanHudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.