Pumunta sa nilalaman

Araling pang-Hudyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Araling panghudyo)

Ang araling panghudyo o araling hudaiko ay isang disiplinang pang-akademiya na nakatuon sa pag-aaral ng mga Hudyo at ng Hudaismo. Ang pag-aaral na panghudyo ay interdisiplinaryo at nagsasama-sama ng mga aspeto ng kasaysayan (natatangi na ang kasaysayang panghudyo), aralin na pang-Gitnang Silangan, araling pang-Asya, araling Oryental, araling panrelihiyon, arkeolohiya, sosyolohiya, mga wika (mga wikang panghudyo), agham na pampolitika, araling pampook, araling pambabae, at araling pang-etnisidad. Bilang isang bukod na larangan, ang araling makahudyo ay pangunahing umiiral sa mga kolehiyo at mga pamantasan na nasa Hilagang Amerika. Ang kaugnay nitong mga larangan ay kinabibilangan ng pananaliksik na pangholokausto at araling pang-Israel; at sa Israel ay mayroong Kaisipang Panghudyo.


HudaismoEdukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.