Pumunta sa nilalaman

Antiparasitiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panlaban sa parasito)

Ang antiparasitiko (mula sa Ingles na antiparasitic; tinatawag din itong parasiticide sa Ingles) o antiparasitaryo (mula sa Kastilang antiparasitario) ay isang uri ng gamot o kemikal na pamurga o pamatay ng mga parasito (mga panlaban sa parasito o antiparasito),[1] partikular na iyong nasa loob ng balat.[2] Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga paghahanda o preparasyong may sulpurong pampatay ng mga kulisap na nakasasanhi ng pangangati, ng kerosina, stavesacre, mga sustansiyang pangkitil ng mga kuto, iyodinong pampatay ng halamang-singaw ng buni (ang ringworm sa Ingles, kilala rin bilang akapulko o kagaw). Napapakinabangan din bilang mga antiparasitiko ang mga antiseptiko.[2]

  1. Gaboy, Luciano L. Parasiticide - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Antiparasitic, parasiticide". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 41.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.