Pannotia
Ang Pannotia na unang inilarawan ni Ian W. D. Dalziel noong 1997 ay isang hipotetikal na superkontinente na umiral mula sa oroheniyang Pan-Aprikano mga 600 milyong taon ang nakalilipas hanggang sa huli nang Precambrian mga 550 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay kilala rin bilang superkontinenteng Vendian. Pagkatapos nito, ito ay nahati sa mga isla ng Laurentia, Siberia at Baltica na ang may pangunahing masa ng lupain na Gondwana sa timog nito.[1]
Pagkakabuo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga 750 milyong taon ang nakalilipas (750 Ma), ang nakaraang superkontinenteng Rodinia ay nahiwalay sa tatlong mga kontinente: Proto-Laurasia (na nahati at kalaunang muling nabuo bilang Laurasia), ang kontinental na kraton ng kraton na Congo at ang Proto-Gondwana (lahat ng Gondwana maliban sa kraton na Congo at Atlantika). Ang Proto-Laurasia ay umikot papatimog tungo sa Timog Polo. Ang Proto-Gondwana ay umikot ng baliktad(counterclockwise). Ang kraton na Congo ay gumitna sa pagitan ng Proto-Gondwana at Proto-Laurasia mga 600 milyong taon ang nakalilipas(Ma). Ito ang bumuo sa Pannotia. Sa labis na masa ng lupain sa mga polo, ang ebidensiya ay nagmumungkahing mayroong mas maraming mga glasyer sa panahong ito kesa sa anumang panahon sa kasaysayang heolohiko.[2]
Heograpiya at panahon ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pannotia ay mukhang tulad ng V na nakaharap sa hilagang-silangan. Sa loob ng V ay isang karagatan na bumukas sa panahon ng pagkakahati ng Rodinia at karagatang Panthalassic Ocean na naging sinaunang Karagatang Pasipiko. May isang gitnang karagatang ridge sa gitna ng Karagatang Panthalassic. Sa labas ng V ay isang napakalaking sinaunang karagatan na tinatawag na Karagatang Panaprikano na maaaring pumalibot sa Pannotia na katumbas ng panghinaharap(future) na Karagatang Panthalassic. Ang Pannotia ay may maikling buhay. Ang mga pagbabanggan na bumuo ng Pannotia ay isang hindi direktang pagbangga at ang mga kontinente ng bumubuo ng Pannotia ay aktibo nang humahati. Sa mga 540 milyong taon ang nakalilipas na mga 60 milyong taon lamang pagkatapos na mabuo ang Pannotia, ang Pannotia ay nahiwalay sa mga apat na kontinente: Laurentia, Baltica, Siberia at Gondwana. Kalaunan, ang mga nabagong masa ng lupain ay muling nagsama upang bumuo ng isang pinaka kamakailang superkontinenteng Pangaea.[3]
Ang isa pang termino para sa isang superkontinente na inakalang umiral sa huli nang panahong Neoproterozoiko ang "Mas malaking Gondwanaland" na iminungkahi ni Stern noong 1994. Ang terminong ito ay kumikilala na ang superkontinente ng Gondwana na nabuo sa huli nang Neoproterozoiko ay minsang bahagi ng mas malaking huling superkontinenteng Neoproterozoiko.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pannotia". Palaeos. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-03-13. Nakuha noong 2006-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Precambrian Paleobiology". Virtual Fossil Museum. Nakuha noong 2006-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pannotia". UCMP Glossary. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-04. Nakuha noong 2006-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-02-04 sa Wayback Machine.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- An image showing Pannotia according to Christopher Scotese. (it is referred to as the late Precambrian Supercontinent in the image).
- Torsvik, Trond Helge. "Palaeozoic Continent Margins: Late Cambrian (500 Ma)". Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2011. Nakuha noong 18 Hunyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 23 July 2011[Date mismatch] sa Wayback Machine. - Stampfli, Gérard. "Prototethys (Ordovician): Early Ordovician (490 Ma) reconstruction". Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2012. Nakuha noong 23 Setyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 18 January 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.