Pumunta sa nilalaman

Pagpapanumbalik ng Meiji

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Panunumbalik ng Meiji)

Ang Pagbabalik ng Meiji, Pagsasauli ng Meiji, Pagpapanumbalik ng Meiji, o Restorasyon ng Meiji (明治維新 Meiji Ishin sa Hapones; Meiji Restoration sa Ingles), kilala rin bilang ang Meiji Ishin, nangangahulugan ang ishin ng "himagsikan" o "pagpapanibago," ay isang pagkasunod-sunod na mga pangyayari na nagdulot ng malakihang pagbabago sa katayuang pangpamahalaan at katayuang panglipunan ng Hapon. Ito ay nangyari sa ikalawang hati ng ika-19 na siglo, isang panahon na napamamagitan ng panahong Edo (madalas na tawag na Huling shogunate na Tokugawa) at ang simula ng panahong Meiji.

Pagtatapos ng Kasugunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kasugunan ng Tokugawa ay naipahayag ang opisyal na pagtatapos noong Nobyembre 9, 1867, nang si Tokugawa Yoshinobu, ang ika-15 Sugun ng Tokugawa ay nagbigay ng kanyang mga ari-arian sa emperador at nagbitiw sa puwesto 10 araw matapos. Ito ay ang mabunga na "pagbabago" (Taisei Hōkan) ng maharlikang pamumuno - ngunit si Yoshinobu ay nanatiling mapaghikayat.

Matapos ng Enero, 1868, ang Giyera ng Boshin (Giyera sa Taon ng Dragon) ay nagsimula sa Digmaan ng Toba-Fushimi sa Chōshū at ang Dominyo ng Satsuma ay tumalo sa nakaraang hukbo ng shogun. Ito ay nagsapiltang itulak si Yoshinobu palabas ng kapangyarihan na nagsapilaitang nagtulak kay Emperador Meiji ng pagsimula ng isang panhon ng opisyal na pagbabago. Noong Enero 3, 1868, ang Emperador ay nagpahayag ng pormal na pagpapahayag ukol sa pagbabalik ng kapangyarihan:

"Ang Emperador ng Hapon sa lahat ng mga banyagang bansa at sa kanilang mga paksa na pahintulot ay ibinibigay sa Shogun Tokugawa Yoshinobu upang maibalik ang namamahala sa kapangyarihan ayon sa kanyang sariling kahilingan. Dapat namin simula ngayon gamitin ang kapangyarihan sa lahat ng mga panloob at panlabas na usapin ng bansa. Kaya ang pamagat ng Emperador ay dapat mapalitan na ng Taikun, kung saan ang mga pag-uusap ay naisagawa. Opisyal ay hinirang ng sa amin na ang pag-unlad ng Hapon sa mga suliraning panlabas. Ito ay kanais-nais na ang mga kinatawan ng mga kasunduan na kilalanin ang pagpapahayag na ito."

— Enero 3, 1868
Mutsuhito[1]

Ang ilang mga hukbo ng shogunate ay umalis patungong Hokkaidō na kung saan sila ay nagtangkang magtatag ng isang hiwalay na Republikang nagngangalang Republika ng Ezo ngunit, ang mga hukbong maka-Emperador ay tinapos ang pagtatangkang ito noong Mayo 1869 sa Digmaan ng Hakodate sa Hokkaidō. Ang pagkatalo ng hukbo ng naunang shogun (pinamunuan ni Enomoto Takeshi at Hijikata Toshizo) ay naghudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng Shogunate ng Tokugawa at ang kapangyarihan ng Emperador ay nanumbalik nang tuluyan.

Ang panunumbalik ng Meiji ay nagpabilis sa industriyalisasyon sa Hapon na nagbigay daan sa kapangyarihang panghukbo noonng 1905 sa ilalim ng islogan na "Pagyamanin ang bansa, palakasin ang hukbo" (富国強兵 fukoku kyōhei.)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. sinipi at isinalin sa "A Diplomat In Japan", Sir Ernest Satow, p.353, ISBN 978-1-933330-16-7