Pascual Poblete
Pascual H. Poblete | |
---|---|
Kapanganakan | 17 Mayo 1858 |
Kamatayan | 5 Pebrero 1921 |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | Manunulat |
Si Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic, Cavite noong 17 Mayo 1858. Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Liceo de Manila.
Dahil sa pagtatanghal ng kanyang dulang Amor Patria, siya at ang mayari ng tanghalang ginamit sa pagtatanghal ay nabilanggo, bagamat sila ay nakalaya rin. Siya ang nagtatag at naging patnugot ng pahayagang El Resumen. Ginamit niya ito upang tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping ginagawa ng mga makapangyarihang Kastila na siyang naging dahilan upang siya ay mausig at ipatapon sa Africa.
Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal. Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong panahon ng mga Amerikano.
Si Andres Bonifacio ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na naging dahilan din ng kanyang pagkakakulong. Taong 1879 nang maging katulong siyang mamamahayag sa pahayagang La Oceana Espanola. Naging kolumnista siya ng Diariong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na pinamatnugutan din niya nang si Del Pilar ay umalis patungong Espanya. Kasama din siya ni Del Pilar sa pahayagang Revista Popular na naglathala ng mga artikulong iba-iba ang paksa na naglayong imulat ang isipan ng mga Pilipino.
Ang itinuring na Ama ng Pahayagan ay bawian ng buhay sa taong 1921 sa gulang na 63.
Maaring bisitahin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.