Pumunta sa nilalaman

Patanga succincta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Patanga succincta
Illustrations from Indian Insect Life (1909)
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Orthoptera
Pamilya: Acrididae
Sari: Patanga
Espesye:
P. succincta
Pangalang binomial
Patanga succincta
(Johannson, 1763)[1]

Ang patanga succincta, ang balang ng Bombay, ay isang sarihay ng balang na matatagpuan sa India at timog-silangang Asya. Karaniwang nag-iisa itong insekto, at sa India lamang ito nagpapakita ng ugaling nagkukulumpon. Mula 1901 hanggang 1908 ang huling salot nitong balang sa bansang iyon, at hindi pa nagkakaroon ng salot mula noong 1927. Iniisip na nagbago ang pag-uugali ng mga insekto dahil sa pagbabago ng mga kasanayan sa paggamit ng lupang pang-agrikultura.

Ang mga bagong pisa na nimpang patanga succincta ay kulay luntian na may mga itim na dungis. Matapos silang lumaki at maghunos ng kanilang balat nang iilang beses nagiging mas iba-iba ang kulay nila. Ang ilan ay kulay luntian lamang, at ang iba ay kulay kayumangging-kahel o berde na may itim na dungis sa tuntungan ng bawat pakpak. Sa una, ang mga adulto na wala pang edad ay maputla kayumanggi na may madilaw-dilaw na likurang guhit at isang matingkad na dibdib na may dalawang panagilirang maputlang pamigkis. Pagkalipas ng anim hanggang walong linggo, dumidilim ang pangkalahatang kulay at nagiging malarosas na pula na partikular na kapansin-pansin sa mga pakpak sa likuran. Kapag tumatanda ang mga balang sa susunod na taon, nagiging kayumanggi sila.[2]

Saklaw at tirahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang patanga succincta sa India, Timog-kanlurang Asya at Timog-silangang Asya. Umaabot ang saklaw nito mula sa India at Pakistan hanggang Thailand, Malaysia, Biyetnam, Hapon, Pilipinas at Indonesia. Ang pangkaraniwang pamugaran nito ay ang mga madamong kapatagan at magaspang, baku-bakong damuhan na may mga palumpong at gaa akakalat na puno sa taas na mga 1,500 metro (4,900 ft). Sa India, kung saan madalang ang mga kulupon dati, hindi pa rin nagkakakulupon mula noong 1927; pinaniniwalaan na ito ay dahil sa pagbabago sa paggamit ng lupa, kabilang ang mga damuhan na ipinanglahi na ngayon ay higit sa lahat sa ilalim ng paglilinang.[2] Sa mga ilan pang bahagi ng saklaw nito, kung saan hindi ito nagkukulupon, ito ay naging mahalagang pampook na peste pagkatapos ng pagkakalbo ng kagubatan.[2]

Sa pagkatanda, sumasailalim ang patanga succincta sa diapausa na tumatagal sa buong malamig na tagtuyo. Sa pagdating ng ulan tumatanda ang mga insekto at nagsisimula nang magparami.[2] Sa timog Hapon, halimbawa, nananatili itong diapausa mula Hunyo hanggang Marso. Ipinakita na ito nag-uudyok ang pagtagal ng haba ng araw sa tagsibol sa pagbabago sa estadong pampag-anak.[3] Sa India, nagpaparami ito tuwing Hunyo at Hulyo, sa Malaysia tuwing Agosto at Setyembre, at sa Thailand tuwing Marso at Abril.[2]

Nangngingitlog ang mga babae ng isa hanggang apat na supot, bawat isa ay naglalaman ng hanggang sa 150 itlog, sa malambot na lupa. Pumipisa ang mga ito pagkatapos ng 4 hanggang 8 linggo, depende sa lokalidad, at dumaan ang mga nimpa sa halos pitong yugto ng paglaki sa loob ng iilang buwan, bago maging batang matanda. Bawat taon, may iisang henerasyon. Sa Thailand, kumakain ang mga batang nimpa ng mga maikling damo ngunit pagkatapos ng ikatlong paghuhunos lumilipat sila sa mga pananim tulad ng mais. Sa umaga, kumakain sila sa ilalim ng buong araw sa tuktok ng halaman, sa tanghali, lumilipat sila sa mas malamig, makulimlim na lugar, at sa gabi, umaakyat muli sila, nagtitipon sa maaraw bahagi ng halaman na humaharap sa kanluran. Nagtitipon ang mga batang matanda ng mga di-nagkukulumpon sa ilang mga katabing halaman ng mais at dagliang lumilipad sa ibang lokasyon kung nabalisa. Pagkaani ng mais, bumabalik sila sa damuhan.[2]

Pag-uugali ng pagkukulumpon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpakita lamang ang patanga succincta ng ugaling magkulumpon sa India. Tumagal ang pinakahuling salot mula 1901 hanggang 1908 at noong 1927 ang huling naitala na kulumpon, mula noon nagbago ang mga huwaran ng agrikultura sa rehiyon.[2] Habang nagkukulumpon, tumitira ang mga insekto sa malamig na panahon mula Nobyembre hanggang Marso sa mga kagubatan sa mga Kanlurang Ghat. Noong Mayo, nang magsimulang humiphip ang hangin ng balaklaot, lumilipat sila sa hilagang-silangan patungong Gujarat, Indore, Nagpur, Hyderabad at ang mga Silangang Ghat, na sumasakop sa 500,000 metro kwadrado (190,000 sq mi) sa panahong iyon. Kung hindi umulan noong Hunyo, nagpapatuloy na kumilos ang salot kasama ng hangin, kung minsan hanggang sa Orissa, Bihar at Bengal. Sa pagdating ng tag-ulan, naghihiwalay ang mga kulumpon, nangingitlog ang mga babae at namamatay ang mga insekto. Karaniwang inilalatag ang mga supot ng itlog sa mga mabibigat na luad sa damuhan, sa mga nasunog na dawahan o sa mga bakanteng pahabang lupain sa pagitan ng mga bukid. Pumipisa ang mga itlog pagkatapos ng iilang linggo, at habang lumalaki at tumatanda ang mga balang at nagkakaroon ng pakpak, kumakain sila sa mga damo o lumipat sa mga naghihinog na dawa. Hinahatid ng hilagang-silangang hangin na humihiphip tuwing Oktubre at Nobyembre ang mga batang adulto pabalik sa mga Kanlurang Ghat, kadalasang kumakain sa araw at kumikilos sa gabi.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Nomadacris succincta (Bombay locust)". UniProt.org. Nakuha noong 2015-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 "Bombay locust - Nomadacris succincta". Locust Handbook. Humanity Development Library. Nakuha noong 2015-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tanaka, S.; Sadoyama, Y. (1997). "Photoperiodic termination of diapause in field-collected adults of the Bombay locust, Nomadacris succincta (Orthoptera: Acrididae) in southern Japan". Bulletin of Entomological Research. 87 (5): 533–539. doi:10.1017/S0007485300041407.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)