Pumunta sa nilalaman

Tipaklong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Balang)

Caelifera
Temporal na saklaw: Huling Permian - Kamakailan
Bata pang tipaklong.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Orthoptera
Suborden: Caelifera
Mga superpamilya
Tipaklong na nasa dahon ng ratiles.

Ang mga tipaklong[1] (Ingles: grasshopper, locust) ay mga kulisap na kumakain ng mga halaman o bahagi ng halaman na nasa subordeng Caelifera sa orden ng mga Orthoptera. Kakaiba sila sa mga kuliglig. Tinatawag ding balang[1][2] at lukton ang mga tipaklong, bagaman mas tumutukoy ang lukton sa mga batang tipaklong.[1] Sa Bibliya, partikular na sa Aklat ni Joel (Joel 1:4), mayroong katagang patungkol sa mga tipaklong at nagsasaad ng ganito: "Ang iniwan ng tipaklong ay kinain ng mga balang, ang iniwan ng balang ay kinain ng uod, (at) ang iniwan (naman) ng uod ay kinain ng kamaksi."[3] Ayon sa paliwanag ni Jose C. Abriol, isang tagapagsalin ng Bibliyang Tagalog, maaaring tumutukoy ang "katagang ito sa apat na uri ng balang o ang iba't ibang anyo ng balang." Binanggit pa ni Abriol ang mga katumbas ng mga salitang ito sa Hebreo: garam (tipaklong), arbe (balang), jelec (uod), at jasil (kamaksi).[3] Sa Bibliya pa rin, partikular na sa Marcos 1:6 at Pahayag (o Rebelasyon) 9: 3-4, nilarawan ang mga tipaklong bilang salot o maninira ng mga pananim.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Tipaklong, balang, lukton". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. ""Locust"". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 2008-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Abriol, Jose C. (2000). "Salot ng mga Balang, Joel:1:4, at talababa bilang 4". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The Committee on Bible Translation (1984). "Locust". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7.

Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.