Pumunta sa nilalaman

Patintero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.

Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.

Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.

Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Sa Cebuano, ito ay tinatawag din na tubig-tubig.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.