Pumunta sa nilalaman

Pautang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dokumento ng pautang mula sa Bangko ng Petrevene, Bulgaria, nakapetsa noong 1936

Ang pautang (Ingles: loan) ay isang uri ng utang. Gaya ng lahat ng mga instrumentong utang, ang isang pautang ay nagtatakda ng redistribusyon ng mga ari-ariang pinansiyal sa paglipas ng panahon sa pagitan ng umuutang at nagpapautang.

Ang dokumento na nagpapatunay sa utang (halimbawa, kasulatan ng pangako o promissory note) ay kadalasang naglalaman ng mga detalye tulad ng halaga ng perang hiniram (tinatawag na principal), ang porsyento ng interes na sinisingil ng nagpapautang, at ang petsa kung kailan kailangang bayaran ang utang. Ang pagpapautang ay proseso ng pamamahagi o pagpapahiram ng isang ari-arian sa loob ng isang takdang panahon, sa pagitan ng nagpapautang (lender) at nanghihiram (borrower).

Ang interes ay nagsisilbing insentibo para sa nagpapautang upang pumayag sa pagpapautang. Sa isang legal na utang, ang mga obligasyon at limitasyon ay nakasaad sa kontrata, at kadalasan mayroon ding karagdagang kondisyon na ipinapataw sa nanghihiram na tinatawag na loan covenants. Bagama't nabanggit dito ang tungkol sa pautang na pera, sa praktikal na sitwasyon, anumang materyal na bagay ay maaari ring ipahiram.

Ang pagpapautang ay isa sa pangunahing gawain ng mga institusyong pampinansyal tulad ng mga bangko at mga kompanya ng credit card. Para sa ibang mga institusyon, ang paggawa ng mga kontrata sa utang tulad ng mga bond ay karaniwang ginagamit bilang paraan ng pagkakaroon ng pondo.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.