Maning malutong at marupok
Uri | Confectionery |
---|---|
Pangunahing Sangkap | Sugar, nuts, water, butter |
|
Ang mga maning malutong at marupok (Ingles: brittle, brittles [maramihan], isang halimbawa: peanut brittle) ay mga pagkaing minatamis o ginagawang matamis na karaniwang matigas at madupok, yari sa arnibal o karamelitos (mga kending arnibal) at anumang uri ng mga mani.
Pagluluto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaiinitan ang pinaghalong asukal at tubig magpahanggang umabot sa pagiging matigas ngunit puputok o mababali nang kalagayan, na katumbas ng temperaturang nasa mga 300 °F (tinatayang mga 150 °ri;C). Hinahalo ang mga mani sa asukal na inarnibal. Sa oras na ito idinadagdag ang mga pampalasa, lebadura, mantikilya, minantikilyang mani, at bikarbonato ng sosa. Ibinubuhos ang mainit na kendi isang kapatagan para hayaang lumamig, karaniwang tablang granito o marpil. Maaaring pisa-pisain ang mga mga maiinit na kendi para magkaroon ng magkakatulad na kakapalan. Kapag lumamig ang mga britel, binabasag ang mga ito para maging pira-piraso.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Pagluluto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.