Pumunta sa nilalaman

Pedrito Reyes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Pedrito Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 13 Mayo 1896. Anak siya ng dakilang manunulat at sarsuelistang si Severino Reyes.

Mapagpatawa si Reyes subalit may malalim na istilo sa pagsulat. Kinilala siya ng kanyang mga kasamahang manunulat bilang isa sa mga pangunahing manunulat na mahusay sa pagpapatawa.

Siya ang may-akda ng klasikong Kulafu naging popular na komiks sa Liwayway noong dekada '30.

Naging editor siya ng Liwayway, Liwayway-Extra at Hiwaga. Naging tagasalin siya ng mga akdang internasyonal. Sa kanyang nobelang Fort Santiago, (1946). Naisiwalat niya ang bangis ng digmaan. Tulad nina Teodoro Agoncillo at Alejandro Abadilla, si Reyes ay bumuo rin ng mga antolohiyang sasalamin sa unang hati ng dekada '20.

Pinamatnugutan niya ang katipunang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (Unang Aklat).

Binawian siya ng buhay noong 28 Marso 1981.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.